Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kabundukan sa Kalinga, binomba ng AFP
March 07, 2023

Walang-patumanggang binomba ng mga jet fighter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mabundok na bahagi ng Barangay Gawa-an sa Balbalan, Kalinga bandang alas-2 ng madaling araw noong Marso 5. Ayon sa paunang ang ulat ng Cordillera Human Rights Alliance (CHRA), dinig hanggang sa mga bayan ng Upper Tabuk at Limos ang ingay ng […]

Supermayorya ng pangkating Marcos sa Kongreso, iniratsada ang charter change
March 06, 2023

Iniratsada ng rehimeng Marcos ang pag-apruba ng House of Represenatives sa Resolution of Both Houses No. 6 na nagtutulak ng isang constitutional convention para sa chacha (charter change) o pag-amyenda sa konstitusyong 1987. Naitala ang 301 na botong “Yes”, habang 6 ang “No” at isa ang abstain sa naturang resolusyon kanina. Ang resolusyon ay kapapasa […]

Mga ruta sa Metro Manila, naparalisa ng tigil-pasada
March 06, 2023

Tinatayang 90% ng mga ruta ng mga dyip sa buong Metro Manila ang naparalisa ng tigil-pasada ng mga drayber ng mga dyip at pampasaherong van ngayong araw. Ang tigil-pasada ay inilunsad ng mga drayber at opereytor sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at grupong Manibela. Magtutuluy-tuloy ang tigil-pasada […]

AFP, nagwaldas ng $153 milyon para sa 1,000 drone
March 05, 2023

Kinumprima noong Marso 2 ng maka-militar na website na Max Defense na dumating sa Pilipinas noong 2022 ang nasa 100 Hermes 90 UAV, isang klase ng unmanned aerial vehicle o drone na gawa ng Elbit Systems ng Israel. Ang mga drone na ito ay bahagi ng order ng Armed Forces of the Philippines para sa […]

Hindi makasasama sa ekonomya ang dagdag-sahod!
March 03, 2023

Malaking panloloko ang sinabi kamakailan ng kalihim ng National Economic and Development Authority na si Arsenio Balisacan na “makakasama” sa ekonomya ang hiling ng mga manggagawa na dagdagan ang kanilang sahod. “Kaninong ekonomya?” tanong ni Sonny Africa ng Ibon Foundation. “Napakalaki ng bentahe ng dagdag-sahod sa mga manggagawa,” aniya, at ang tanging kasamaang idudulot nito […]

Ibasura ang Cha-cha ni Marcos, panawagan ng mga demokratikong organisasyon
March 03, 2023

Nakahanda ang mga demokratikong organisasyon na tutulan ang pakanang baguhin ang konstitusyong 1987 na iniraratsada ngayon sa Kongreso. Tinatayang ipapasa na sa Marso 6 sa pangatlo at huling pagdinig ang House Resolution No. 6, na nagtatawag para sa Constitutional Convention para baguhin ang konstitusyon. “Sagot ba sa problema ng bansa ang Cha-cha?” tanong ni Renato […]

Sibilyang komunidad, pinagbabaril ng 94th IB; mga bahay nasira
March 03, 2023

Nasira ang bahay ng mga magsasakang sina Albascion Onopre at Rhoda Garnica sa Sityo Cabagnaan, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental matapos paulanan ng bala ng mga sundalo ng 94th IB noong Marso 1. Ayon sa grupong September 21 Movement South Negros, nagpaputok ang mga sundalo matapos ang napaulat na engkwentro sa pagitan ng 94th […]

Protesta kontra Herrera Law, inilunsad ng mga manggagawa
March 02, 2023

Nagprotesta ang mga manggagawa kanina sa Commission on Human Rights sa Quezon City para igiit ang pagpapabasura sa anti-manggagawa na Herrera Law kasabay ng ika-34 anibersaryo nito. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), ginawang ligal ng naturang batas ang kontraktwalisasyon na nagbura sa seguridad sa trabaho ng mga manggagawa. Ang Herrera Law ay isinabatas noong […]

Mga imperyalistang bansa, pinapapanagot sa mga epekto ng climate change
March 02, 2023

Nagprotesta noong Pebrero 28 ang Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP), Pamalakaya at iba pang grupo sa harap ng Dusit Thani Hotel sa Makati City para igiit na papanagutin ang mga rehiyon at bansang mayayaman at makapangyarihan na tinaguriang “Global North” na pangunahing pinangagalingan ng matinding polusyon na nagpapalubha sa climate change. Itinaon ang […]

Tigil-pasada ng mga jeep, umani ng suporta, nagkamit ng panimulang tagumpay
March 01, 2023

Kabi-kabilang suporta ng mga grupo at indibidwal ang ipinabatid sa planong tigil-pasada ng mga tsuper at opereytor ng dyip at mga pampublikong sasakyan sa darating na Marso 6 hanggang Marso 12. Ang tigil-pasada ay tugon ng mga grupo sa transport sa anti-mahirap na programa ng gubyernong Marcos na “modernisasyon” na sa totoo’y phaseout o pag-aalis […]