Archive of AB Dailies

BHB sa Surigao del Sur, tsinekpoynt ang nag-ooperasyong pulis
September 03, 2022

Hinarang ng Bagong Hukbong Bayan sa isang tsekpoynt ang sasakyang lulan ng mga elemento Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Barangay Libas Gua, San Miguel, Surigao del Sur noong Agosto 30. Subalit sa halip na huminto, nagpaputok at kumaripas ng takbo ang mga pulis. Ani Ka Sandara Sidlakan, tagapagsalita ng BHB-Surigao del Sur, nagtayo […]

Usapang pangkapayapaan, isinusulong sa Senado at Kongreso
September 02, 2022

Naging usap-usapan nitong linggo ang pagbubuhay muli ng usapang pagkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Philippines (GRP). Ito ay matapos sagutin ni Sen. Loren Legarda ang panukala ni Sen. Francis Tolentino na dapat isiwalat ng sinumang upisyal ng gubyerno kung mayroon siyang kamag-anak na myembro ng […]

2 patay, 1 sugatan sa 62nd IB sa aksyong harasment ng BHB sa Guihulngan
September 02, 2022

Dalawa ang napatay habang isa ang sugatan sa inilunsad na aksyong harasment ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa mga sundalo ng Alpha Coy Detachment ng 62nd IB noong Agosto 30, 2022 sa Sityo Casingan, Barangay Trinidad sa Guihulngan City. Ginawa ang harasment na ito bandang alas 6:00 ng hapon. Ayon kay JB Regalado, tagapagsalita […]

Sibilyan, tinutukan ng baril; mga bahay, niransak ng 62nd IB sa Moises Padilla
September 01, 2022

Tinutukan ng baril sa ulo ng mga sundalo ng 62nd IB at pulis ng Special Action Force (SAF) si Johnny Dela Pena, isang residente ng Sitio Ngalan, Barangay Macagahay, Moises Padilla, Negros Occidental noong Agosto 23 kasabay ng iligal na paghalughog ng mga sundalo sa kanyang bahay. Liban dito, niransak din ng mga sundalo ang […]

Lider-aktibista sa Central Luzon, pansamantalang nakalaya
September 01, 2022

Nakalaya na kagabi and lider aktibista sa Central Luzon na si Pol Viuya matapos ang isang taong pagkakakulong. Si Viuya ang tagapangulo ng BAYAN-Central Luzon at ikalawang tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno. Inaresto siya noong Marso 30, 2021 sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives ng mga elemento ng estado. Nakalaya si Viuya […]

Aktibista, dinukot para takutin at pwersahing maging ahente ng militar
August 31, 2022

Noong Agosto 29, inihayag ng Cordillera Peoples’ Alliance (CPA) at Cordillera Human Rights Alliance (CHRA) ang sinapit ni Steve Tauli, beteranong aktibista sa Cordillera, na dinukot noong Agosto 20 sa Barangay Appas in Tabuk City, Kalinga. Sa kanyang salaysay, pinilit niyang humulagpos at sumigaw para humingi ng tulong. Ipinasok siya sa isang itim na van, […]

Protesta ng manggagawa sa Araw ng mga Bayani, ikinasa
August 29, 2022

Sa Araw ng mga Bayani ngayong araw, nagpiket-protesta ang mga manggagawa ng Pambato Cargo Forwarder, Inc. sa harap ng kumpanya sa Dimasalang Street, Sampaloc, Manila para igiit ang pagtaas ng sahod, espasyo para sa General Membership Assembly (GMA), regularisasyon at iba pa. Pinamunuan ang protesta ng mga unyonista ng Pambato Cargo Federation Labor Union (PAMBATU). […]

Kontra-mahirap at kontra-manggagawa ang pagkaltas sa badyet sa PGH
August 28, 2022

Mariing kinundena ng All UP Workers Union-Manila/PGH sa isang pahayag noong Agosto 28 ang panukalang kaltas sa badyet ng Philippine General Hospital sa taong 2023. Sa isinumite ng Department of Budget and Management na panukalang pambansang badyet sa Kongreso, binasawan ng rehimeng Marcos nang ₱890 milyon ang badyet ng ospital mula sa ₱6.302 bilyon ngayong […]

Palayain si Adora Faye de Vera, simbolo ng brutalidad ng batas militar
August 28, 2022

Nanawagan ang grupong Kapatid at mga kamag-anak ni Adora Faye de Vera, 66, beteranong aktibista kontra-diktadura na kagyat siyang palayain at ibalik sa Maynila para para matiyak ang kanyang kaligtasan at mabigyan siya ng atensyong medikal. Apela ng kanyang anak na si Ron de Vera, matanda na at may malubhang sakit ang kanyang ina na […]

Estudyante, mga sektor ng UP, nagprotesta kontra bantang kaltas-badyet
August 28, 2022

Naglunsad ng kilos protesta ang iba’t ibang sektor ng University of the Philippines (UP) noong Agosto 25 sa harapan ng Quezon Hall sa UP Diliman, Quezon City, kasabay ng inilunsad na pagpupulong ng Board of Regents sa naturang gusali. Tinututulan nila ang panukalang kaltas-badyet sa UP System sa 2023. Sigaw rin nila ang ligtas na […]