Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kaya pa ba ang sunod na gahiganteng pagtaas ng presyo ng langis?
March 06, 2022

Nakatakdang tumaas pa nang hanggang ₱5.50 ang presyo kada litro ng diesel sa susunod na linggo. Ito ang tantya ng kumpanyang Unioil noong Marso 5, matapos ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa nakaraang dalawang buwan. Ang nakatakdang pagtaas na ito ang ika-10 na sa loob ng taon. Liban sa diesel, taya ng […]

Petisyon para sa taas-sahod, itinutulak na aksyunan
March 05, 2022

Itinutulak ng grupong Unity for Wage Increase Now! (UWIN) na kaagad aksyunan ang petisyon nito na isinumite noon pang Nobyembre 2019 para sa pagtataas ng sahod sa National Capital Region (NCR) tungong ₱750 kada araw. Hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng rehiyon sa kabila ng ilang […]

Anak ni NDFP Consultant Esteban Manuel Jr., dumulog sa CHR
March 04, 2022

Sa isang sulat sa Commission on Human Rights (CHR) ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas, humingi ng tulong si Albert Manuel para matunton ang kanyang ama na si Esteban Manuel Jr., konsultant pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Inaresto si Manuel Jr. ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Villareal, Samar […]

200 pamilyang Aeta, pinalayas dahil sa Balikatan at Salaknib
March 04, 2022

Ibinalita ngayong araw ang pagpapalayas sa 200 pamilyang Aeta mula sa kanilang mga komunidad sa Crow Valley, Barangay Sta. Juliana, Capas, Tarlac para bigyan-daan ang pagdaraos ng mga pagsasanay militar ng mga pwersa ng US at PIlipinas. Ang Crow Valley ay lupang ninuno ng mga Aeta na matagal nang sinaklaw ng base militar sa lugar. […]

70% ng grupong party list, hawak ng mga pulitiko, negosyo at upisyal ng estado
March 04, 2022

Taliwas sa sinasabing ang sistemang party-list ay para “bigyan ng boses” ang mga “mga mahirap at walang kapangyarihan,” halos 70% ng mga grupong ito na tumatakbo ngayon sa eleksyong ay kontrolado ng mayayaman at makapangyarihan. Kahapon, Marso 3, sinabi ng grupong Kontra-Daya na “Ginagamit nila (ang sistema) para higit pang isulong ang kanilang interes sa […]

New Bataan 5, dinukot at posibleng tinortyur sa gabi ng Pebrero 23
March 03, 2022

Dinukot at hawak na ng mga pwersa ng militar noong gabi ng Pebrero 23 ang limang sibilyang kinabibilangan ng mga boluntir na guro sa mga paaralang Lumad na pinalabas na mga kasapi Bagong Hukbong Bayan na napatay sa engkwentro sa New Bataan, Davao de Oro. Sa imbestigasyon ng National Democratic Front-Southern Mindanao na inilabas kahapon, […]

Mga kumpanya sa armas sa US at Europe, tumatabo ng kita sa pagsiklab ng sigalot sa Ukraine
March 03, 2022

Sumirit pataas ang halaga ng mga sapi ng pinakamalalaking kumpanya sa armas at cybersecurity ng Europe at US matapos hayagang inendorso ng European Union ang tuluy-tuloy na panunulsol ng US sa sigalot sa Ukraine at nangakong magpapadala ng mga pondo at armas dito. Noong Pebrero 28, tumaas nang 10% ang halaga ng mga sapi ng […]

Oil Deregulation Law, ipinababasura sa harap ng pagsirit ng presyo ng langis
March 03, 2022

Sinisi ng mga progresibong kongresista si Rodrigo Duterte sa di maapulang pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo sa nakaraang siyam na linggo. Ito ay matapos manawagan si Duterte na hihilingin niya sa Kongreso na repasuhin ang Downstream Oil Deregulation Act. “Matagal na nating panawagan ang pagbasura sa oil deregulation law pero ang Malacañang mismo […]

Nired-tag na mamamahayag, tinambangan sa Baguio
March 02, 2022

Tinambangan si Aldwin Quitasol, mamamahayag at tagapangulo ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC), habang pauwi sa kanyang tahanan noong Marso 1, alas-10 ng gabi. Ayon kay Quitasol, naglalakad siya sa Quezon Hill, Baguio City nang may humintong motorsiklo at siya’y barilin ng lulan nito. Nakaligtas siya sa pamamaril. Bago nito, ilambeses na siyang nired-tag […]

Mga atake sa mga tagapagtanggol ng kalikasan, apat na ulit nang dumami ngayong taon
March 02, 2022

Apat na beses nang lumaki ang bilang ng mga atake sa aktibista at mamamayang nagtatanggol sa kalikasan mula Enero ngayong taon. “Tumaas nang 483% ang bilang ng inatakeng tagapagtanggol ng kalikasan at 350% pagtaas ng bilang ng insidente matapos pormal na buksan ang kampanya para sa eleksyon,” ayon kay Leon Dulce, pambansang koordineytor ng Kalikasan […]