Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Sinisanteng mga manggagawang Pilipino sa Hong Kong na nagpositibo, pinababayaan
February 23, 2022

Hindi bababa sa 20 migranteng manggagawa sa Hong Kong ang sinipa sa trabaho ng kanilang mga amo matapos mapag-alamang nagpositibo sila sa Covid-19. “Talagang nakakawa kasi ang mga OFW ay walang mga bahay, nakatira sila sa mga bahay ng mga amo nila…kaya pagsisante sa kanila, napipilitan silang maglagi sa mga parke dahil wala naman silang […]

Mga akademiko, nagbabala laban sa di syentipikong mga sarbey
February 23, 2022

Nagbabala noong Pebrero 21 ang mga guro mula sa School of Statistics at Department of Communication Research ng Department of Mass Communications ng University of the Philippines laban sa tinawag nilang “malawakang pang-aabuso sa ginagamit na metodolohiya ng mga sarbey” ng ilang mga grupong na anila’y may sariling “tipo ng pananaliksik,” at nagpapalaganap ng mga […]

Pang-aatake sa mga sibilyan sa Samar, umaarangkada sa ilalim ng pandemya
February 22, 2022

Walang puknat ang pang-aatake sa mga sibilyan ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa gitna ng pandemya. Sa isang ulat na isinumite ng National Democratic Front-Eastern Visayas sa National Democratic Front of the Philippines, inilista nito ang mga kaso ng walang patumanggang pamamaril ng mga militar […]

Dalawang bata, napaslang sa walang-patumanggang pamamaril ng 20th IB
February 22, 2022

Walang-patumanggang pamamaril ng mga tropa ng 20th Infantry Battalion ang kumitil sa buhay ng dalawang bata sa Barangay Roxas, Catubig, Northern Samar noong Pebrero 8. Taliwas ito sa ipinakakalat ng Armed Forces of the Philippines na napatay sila nang “maipit” sila sa “engkwentro” sa pagitan ng mga sundalo at Bagong Hukbong Bayan. Sa pahayag ng […]

500 Palestino, nakakulong nang walang kaso
February 21, 2022

Parami nang paraming aktibista, tagapagtanggol ng karapatang-tao, at maging mga batang Palestino ang arbitraryong inaaresto at walang kaso at taning na ikinukulong ng estado ng Israel gamit ang pakanang “administratibong detensyon.” Ginagamit ng Israel ang mapaniil na pakanang ito, para arestuhin ang sinumang binansagan nitong “banta sa seguridad” at ikinukulong nang hanggang anim na buwan […]

Panggigipit sa mga komunista sa Germany, kinundena ng PKP
February 21, 2022

Kinundena kahapon ni Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ang isinasagawang pagtugis sa tatlong upisyal ng Marxistisch-Leninistische Partei Deutschlands (MLPD), isang partido komunista ng manggagawang German. Ayon sa MLPD, pinaghahanap ngayon ng Federal Criminal Police Office BKA ang tagapangulo ng partido na si Gabi Fechtner sa buong Europe. Noong nakaraang […]

Mga protesta
February 21, 2022

Pagtaas ng presyo ng langis, kinundena Nagpiket ang mga tsuper at opereytor sa istasyon ng Petron sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong Pebrero 14 upang kundenahin ang tuluy-tuloy na pagtaas ng mga presyo ng langis mula Enero. Panawagan nila na irolbak ang mga presyo, isabansa ang kumpanya ng langis na Petron Corporation at iatras ang […]

Bhumkal Diwas, ginunita ng rebolusyonaryong mamamayan ng India
February 20, 2022

Ipinagdiwang noong Pebrero 10 ng rebolusyonaryong mamamayan sa Bastar, isang dibisyon sa estado ng Chattisgarh, ang Bhumkal Diwas bilang paggunita sa makasaysayang pag-aaklas ng mga Adivasi (mamamayang katutubo sa India) laban sa kolonyalistang British noong 1910. Libu-libo ang nagtipon sa mga distrito ng Bastar, Bijapur, Dantewada at Sukma. Itinuturing din nila itong Araw ng Pagkakatatag […]

Motorcade ni Marcos sa Caloocan, ginulantang ng protesta
February 20, 2022

Ginulantang ng protesta ang motorcade kahapon ng tambalang Marcos-Duterte, sa Caloocan City nang biglang lumitaw sa harap ng San Roque Cathedral ang malalaking banderang may nakasulat na “Huwag iboto ang magnanakaw at sinungaling!.” Sa pangunguna ng Bayan Muna, tangan ng mga nagrali ang mga plakard na nakasulat ang “Never Again!” habang dumadaan ang sasakyang lulan […]

Pambayad sa utang ni Duterte, bagong mga buwis na naman
February 19, 2022

Balak ng mga upisyal sa ekonomya ng estado na magpataw ng panibagong mga buwis at palawakin ang saklaw ng dati nang mga buwis sa pagkain, gamit sa produksyong pang-agrikultura, transportasyon, kuryente at iba pang batayang pangangailangan para bayaran ang pamanang bilyun-bilyong utang ng rehimeng Duterte. Ibinunyag kahapon ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na obligado […]