Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Israel, imbwelto sa pagpaslang sa lider-militar ng Iran
December 29, 2021

  Sa unang pagkakataon, tuwirang nabunyag ang susing papel ng gubyerno ng Israel sa airstrike ng US na pumaslang sa lider militar ng Iran na si Gen. Qassem Soleimani sa Baghdad, Iraq noong Enero 3, 2020. Ang nasabing aksyong militar ay itinuturing na isang krimen sa digma at lantarang pagyurak sa pambansang soberanya ng Iraq at […]

Pagmimina sa Benguet, hinadlangan ng mga katutubong Mankayan
December 29, 2021

  Hindi binigay ng mga katutubong komunidad sa Mankayan, Benguet ang kanilang permiso para sa pagmimina ng Cordillera Exploration Inc o CEXCI na nakatakdang sumaklaw sa mahigit 11,000 ektarya ng kanilang lupang ninuno. Sa isang “resolusyon ng hindi pagpayag” na inilabas ng Mankayan Ancestral Domain noong Disyembre 20, tumanggi ang mga lider at nakatatanda ng […]

Rehab efforts continue in Central Negros as rev forces celebrate CPP anniversary
December 28, 2021

  Revolutionary forces led by the Party and the New People’s Army in Central Negros (Leonardo Panaligan Command) continued to carry out rehabilitation efforts to aid the peasant and toiling masses in their area of responsibility that were hit by supertyphoon Odette, even as they mounted assemblies to celebrate the 53rd anniversary of the Communist […]

Mga tampok na sipi mula sa pahayag ng Komite Sentral ng PKP sa ika-53 anibersaryo ng Partido
December 26, 2021

Inihanda ang mga tampok na sipi ng Ang Bayan editors.

Kontra-neoliberalismo na “milenyal” ang bagong presidente ng Chile
December 23, 2021

Nanalo si Gabriel Boric, isang 35-taong gulang na dating lider-estudyante, sa pangalawang serye ng eleksyong pampresidente sa bansang Chile noong Disyembre 19. Tinalo niya si José Antonio Kast, isang kongresista na kilalang tagapagtanggol ng pasista at neoliberal na mga patakaran ng dating diktador na si Augosto Pinochet. Tumakbo si Boric sa platapormang kontra-neoliberalismo. Tinagurian niya […]

₱1.4 trilyon pondong pang-imprastruktura, pinangangambahang “mawaldas” dahil sa kainutilan
December 23, 2021

Muling kinastigo ng Commission on Audit (COA) ang iba’t ibang mga ahensya ng rehimeng Duterte dahil sa kabiguan ng mga ito na mahusay na gamitin ang pondong nakalaan para sa mga proyektong pampubliko. Sa isang pahayag noong Disyembre 23, pinangambahan ng COA na mawaldas lamang ang ₱1.4 bilyong pondo dahil sa kawalang-aksyon ng 17 ahensya […]

Alimodias 8, mga bayani ng Panay
December 21, 2021

Pinarangalan ng rebolusyonaryong kilusan sa Panay ang walong Pulang mandirigma na napatay sa pambobomba ng Philippine Airforce sa Barangay Alimodias, Miag-ao, Iloilo noong Disyembre 1. Nasa lugar ang kanilang yunit para magbigay ng serbisyo at pagkaisahin ang mga magsasaka laban sa kagutuman. “Sa paglilingkod nila sa sambayanan, naabot nila ang buhay ng libu-libo sa kanayunan […]

Mga sundalong nag-eespiya, tinambangan sa Surigao del Sur
December 21, 2021

“Malaking kasinungalingan!” Ito ang sagot ng BHB-Surigao del Sur (BHB-SDS) sa ipinakakalat na disimpormasyon ng 36th IBPA na nagdadala ng relief goods ang mga sundalo nila nang ambusin ng mga Pulang mandirigma noong Disyembre 15 sa Barangay San Vicente, Madrid, Surigao del Sur. Nasawi sa ambus ang tatlong sundalong mga tauhan sa intelligence at sangkot […]

7 sundalo, namatay sa sariling pambobomba ng AFP, libong lumad, nagbakwit
December 21, 2021

Hindi bababa sa pitong sundalo, kabilang ang isang upisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay nang mahulugan ng sariling bomba ng AFP sa Napnapon River, sa Barangay Napnapon, Palimbang, Sultan Kudarat noong Disyembre 9, bandang 5:15 ng umaga. Hindi bababa sa anim na malalaking bomba ang inihulog sa lugar ng dalawang FA50 […]

Kaso kaugnay sa “naglalakbay na mga kalansay” sa Leyte, ibinasura
December 18, 2021

Ibinasura noong Disyembre 16 ang gawa-gawang kaso kaugnay sa pagpatay sa 15 indibidwal noong dekada 1980 at diumano’y pagtambak sa kanilang bangkay sa isang libingan sa Inopacan, Leyte. Ang desisyon na inilabas ng Mania Regional Trial Court Branch 32 ay nagmula sa “demurrer of evidence” o pagpapabasura sa ebidensya na isinampa nina Satur Ocampo, Rafael […]