Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

BHB-NCMR: AFP at mga pulitiko ang masaya sa pondo NTF-Elcac
November 25, 2021

Inilantad ng Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao Region (BHB-NCMR) na “pondong pang-eleksyon” ang bilyun-bilyong pondong hawak ng National Task Force (NTF)-Elcac. Sa isang pahayag ngayong araw, binatikos ni Ka Gabrielle, information officer ng BHB-NCMR ang NTF-Elcac at sinabing “batbat ng korapsyon ang kontra-rebolusyonaryong gera ng AFP.” “Ngayon ang pinakapaborable para sa mga lokal maging sa […]

Isakdal ang kriminal, ikulong si Rittenhouse
November 25, 2021

Nagrali ang 1,500 indibidwal sa Chicago, US noong Sabado para batikusin ang pagpapawalang-sala ng korte kay Kyle Rittenhouse. Si Rittenhouse, 18, ay responsable sa pamamaril, gamit ang isang ripleng AR-15, sa mga raliyista ng kilusang Black Lives Matter sa Kenosha, Wisconsin noong Agosto 25, 2020. Dalawa ang kanyang pinatay at isa ang nasugatan. Ibinasura ng […]

Daan-daan, dumalo sa libing ng 2 magsasaka sa Quezon
November 24, 2021

Inilibing kahapon, Nobyembre 23, ng daan-daang mga kababaryo ang dalawang maglulukad o magniniyog na pinaslang ng 59th IB. Sigaw ng 400 nagmartsa ang katarungan para sa kanilang kababaryo. Pinaslang ng mga sundalo ng 59th IB sina Jorge Coronacion, 64, at Arnold Buri, 43, noong Nobyembre 17 sa isang gawa-gawang engkwentro sa Barangay Taquico, Sampaloc, Quezon. […]

Kaso sa 2 aktibista sa Maynila, ibinasura
November 24, 2021

Ibinasura ngayong araw, Nobyembre 24, ang gawa-gawang kaso ng illegal possesion firearms and explosives laban sa mag-asawang aktibista na dinakip sa Metro Manila noong 2019. Ipinawalambisa ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang mga kasong kinakaharap ni Cora Agovida, tagapagsalita ng Gabriela sa Metro Manila at Michael Bartolome, organisador ng grupong Kadamay. Iligal na […]

Pagsumite ng dokumento ng rehimeng Duterte, inobliga ng ICC
November 24, 2021

Inobliga ng International Criminal Court ang gubyerno ng Pilipinas na magsumite ng mga dokumento para patunayan ang hiling nito na ipagpaliban ang pormal na imbestigasyon ng korte sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrigo Duterte. Ito ay matapos maghapag ng pagtutol ang mga grupong nagtatanggol sa mga karapatang-tao at abugado sa temporaryong suspensyon ng […]

Partylist ng mga nars, iginiit na kilalanin ng Comelec
November 23, 2021

Nagrali ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Nurses United Partylist kahapon, Nobyembre 22, sa harap ng upisina ng Comelec upang igiit ang pagkilala sa kanilang partido at payagan silang makatakbo sa sistemang party-list sa eleksyong 2022. “Ang Nurses United po ang kumakatawan sa pinakamalaking marginalized sector ng mga manggagawang kalusugan,” pahayag ni Maristela Abenojar, […]

Operasyon ng AFP sa Northern Samar, para sa pagmimina ng bauxite
November 22, 2021

Pagtataguyod sa interes ng malalaking korporasyon sa pagmimina ang pinakapakay ng mga operasyong militar na isinasagawa ng AFP sa Northern Samar. Ayon sa ulat ng Bagong Hukbong Bayan-Northern Samar (Arnulfo Ortiz Command) na inilathala sa Larab noong Nobyembre 6, ang mga operasyon ng 87th IB ay nakatuon sa pagmimina ng bauxite. Hindi bababa sa sampung […]

Mga protesta
November 22, 2021

#MarcosHindiBayani, sigaw ng mamamayan Isang protestang karaban na pinangunahan ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law o CARMMA ang inilunsad noong Nobyembre 18. Nagsimula ang karaban sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City at tumungo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Tinawag ng mga kalahok ng karaban […]

Matatanda at may sakit na mga aktibista at organisador ng magsasaka, inaresto sa Bulacan
November 21, 2021

Limang aktibista at organisador ng mga magsasaka — apat ay matatanda na at isang maysakit — ang sabay-sabay na inaresto ng mga pulis at sundalo noong madaling araw ng Nobyembre 16. Ang pananalakay at pagtatanim ng ebidensya sa tinutuluyan nilang mga bahay ay hindi kaiba sa manera ng iligal na pang-aaresto at pagsasampa ng gawa-gawang […]

Grupong internasyunal, dismayado sa suspensyon ng imbestigasyon ng ICC kay Duterte
November 21, 2021

“Labis na nadismaya.” Ito ang reaksyon ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) sa desisyon ng International Criminal Court (ICC) na pansamantalang isuspinde ang imbestigasyon nito sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrigo Duterte. Ang pansamantalang pag-atras ay bunga ng inihapag na kahilingan ng gubyerno ng Pilipinas noong Nobyembre 10 sa […]