Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagkandidato ni Duterte sa Senado, kinutya ng mga demokratikong grupo
November 16, 2021

“Dagang nasusukol” ang paglalarawan ni Arlene Brosas, kinatawan ng Gabriela Partylist, sa biglang paghapag ni Rodrigo Duterte ng kandidatura pagkasenador noong hapon ng Nobyembre 15. Isa itong “desperadong tangka” para makaiwas sa mga kasong kriminal na naghihintay sa kanya pagkatapos ng kanyang termino. TInawag din ng grupong Karapatan ang kandidatura ni Duterte bilang pagtatangka na […]

Presensya ng pulis sa klasrum sa Pangasinan, binatikos
November 15, 2021

Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pressensya ng nakakamoplahe at armadong mga pulis sa loob ng isang klasrum sa Longos Elementary School sa Pangasinan. Isa ang paaralan sa 100 pampublikong paaralan na nagbukas para sa harapang klase kahapon, Nobyembre 14. “Anong ginagawa ng mga armadong pulis sa loob ng klasrum? Militarized na nga […]

94th IB, pinaputukan ng hukbong bayan sa Central Negros
November 15, 2021

Pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Negros sa dalawang hiwalay na lokasyon ang nag-ooperasyong mga tropa ng 94th IB. Aung una ay naganap noong Oktubre 17, alas-2 ng hapon, sa Barangay Mandapaton, La Libertad, Negros Oriental at ang pangalawa ay sa Barangay Amontay, Binalbagan, Negros Occidental noong Nobyembre 9, alas-7 ng gabi. Ayon sa BHB-Central […]

COP26: Mga salarin sa climate change
November 15, 2021

Tulad sa nagdaang mga “climate change conference,” nagtapos muli sa mga pangako ang dalawang linggong United Nations (UN) Climate Change Conference na idinaos sa Glasgow, Scotland, United Kingdom (UK). Nagsimula ang tinaguring COP26 (o ika-26 na Conference of the Parties) noong Oktubre 31 at dinaluhan ng mahigit 2,500 delegado mula sa 200 bansa. Inasahan sa […]

Pambobomba ng US sa 64 sibilyan sa Syria, ibinunyag
November 14, 2021

Ibinunyag sa isang ulat ng pahayagang New York Times noong Nobyembre 14 ang sadyang pagtatago ng militar ng US sa pagpatay nito sa puu-puong sibilyan sa isinagawa nitong pambobomba sa Syria. Inilarawan ang pambobomba na “krimen sa gera” kahit ng mga upisyal militar. Sa partikular, tinukoy ng pahayagan ang insidente noong 2019 kung saan di […]

Organisador ng magsasaka sa Central Luzon, dinukot
November 13, 2021

Dinukot noong Nobyembre 6 ng mga ahente ng estado si Steve Abua, organisador ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Central Luzon sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga. Nasa biyahe noon si Abua papuntang Bataan para sa isang pulong. Ayon sa kanyang asawa na si Johanna Abua, ilang oras mula nang dukutin si Steve ay nakatanggap sila ng mensahe […]

"Malaking ginhawa" ang hindi pagkakahalal ni Roque sa ILC
November 13, 2021

Tinawag na “isang malaking ginhawa” ng unyon ng mga Pilipinong abugado ang hindi pagkakahalal sa tagapagsalita ni Rodrigo Duterte na si Harry Roque sa International Law Commission (ILC) noong Sabado. Sa isang pahayag, binati ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang “botong klarong pagtatakwil kay Roque” ng United Nations (UN) “sa harap ng malalakas […]

#NotoMarcosDuterte2022, umalingawngaw sa buong bansa
November 13, 2021

Lumaganap ang panawagang #NotoMarcosDuterte2022 sa hapon ng Nobyembre 13 matapos maghapag ng kandidatura pagkabise-presidente si Sara Duterte. Agad siyang “inampon” ilang kandidato ng partido ni Ferdinand Marcos Jr para buuin ang tambalang Marcos-Duterte sa 2022. Tumatakbo ang nakababatang Duterte sa ilalim ng Lakas-CMD, ang partido ni Gloria Arroyo. “Kunwari na lang nagulat tayo,” ang reaksyon ng […]

Pangatlong kaso para idiskwalipika si Marcos Jr, inihapag sa Comelec
November 12, 2021

Inihapag ngayong araw ng mga biktima ng batas militar ang pangatlong petisyon para ipadiskwalipika si Ferdinand Marcos Jr. sa pagtakbo bilang presidente at sa anupamang pusisyon sa gubyerno sa hinaharap. Ang petisyon ay inihapag ng mga kasapi ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law o CARMMA. Nakapirma rito sina Satur Ocampo, […]

Organisador ng magsasaka sa Central Luzon, dinukot
November 12, 2021

Dinukot noong Nobyembre 6 ng mga ahente ng estado si Steve Abua, organisador ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Central Luzon sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga. Nasa biyahe noon si Abua papuntang Bataan para sa isang pulong. Ayon sa kanyang asawa na si Johanna Abua, ilang oras mula nang dukutin si Steve ay nakatanggap sila ng mensahe […]