Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Pinuntahan ng anim na sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bahay ng lider-kabataan ng Anakbayan-Bulacan na si Kristel Asilom noong Nobyembre 11 upang siya’y sindakin at gipitin. Hinanap si Asilom sa kanyang tiyuhin para “pangaralan,” patigilin sa pakikialam niya sa mga isyung panlipunan at paalisin sa progresibong kilusan. Ipinakita pa ng mga […]
Nananatiling matatag ang paninindigan ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac at ang kanilang samahang Malayang Kilusang Samahan ng Magsasaka ng Tinang (Makisama-Tinang) sa harap ng sunud-sunod na panggigipit sa kanila ng mga pwersa ng estado. Nagprotesta sila sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City noong Nobyembre 13 para batikusin ang maruruming […]
Dinis-armahan ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ang despotiko at ahente ng 57th IB na si Junior Martinez sa Sityo Badiangan, Barangay Salangsang sa Lebak, Sultan Kudarat noong Nobyembre 13, alas-5 ng umaga. Nakumpiska sa kanya ang isang M16, isang shotgun, dalawang pistola, isang hand grenade, at isang radyong VHF. Ginagamit ni […]
Iniulat kamakailan ng Bagong Hukbong Bayan-Northern Samar (Rodante Urtal Command) ang serye ng mga punitibong aksyon na isinagawa ng mga yunit ng hukbong bayan sa Northern Samar laban sa masasama at kontra-rebolusyonaryong elemento sa bayan ng Las Navas. Tatlong elemento ang tinarget sa mga aksyong inilunsad noong Abril sa Barangay San Miguel, isang baryong ilang […]
Iniulat kamakailan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Leyte Island (Mt. Amandewin Command) ang pagbigo sa isang reyd ng 14th IB na naganap noong Abril at ang ganting pasistang hakbang ng yunit militar sa sibilyang mga komunidad sa Southern Leyte. Ayon kay Ka Dodong Malaya, tagapagsalita ng BHB-Leyte, napatay sa aksyong militar ng Pulang hukbo noong Abril […]
Lumaya matapos makapagpyansa si Sen. Leila de Lima kahapon, Nobyembre 13, mula sa halos 7-taong pagkakabilanggo. Inaprubahan ng korte ang petisyon ng kanyang mga abugado na magpyansa upang pansamantalang makalaya ang senadora batay sa taya nitong hindi malakas ang ebidensya laban sa kanya. Ang mga kasong ito, na nagsangkot sa kanya sa bentahan ng iligal […]
Lalong pinahigpit ni Ferdinand Marcos Jr ang personal niyang pagkontrol sa ₱50-bilyong Maharlika Investment Fund sa pamamagitan ng bagong bersyon ng mga alituntunin nito na inilabas noong Nobyembre 12. Maaalalang pansamantalang “isinuspinde” ang pagbubuo ng MIF noong Oktubre 12 matapos di nasiyahan si Marcos sa unang bersyon ng implementing rules and regulations (IRR) nito. Sa […]
Umabot sa isang milyong mamamayan ang lumahok sa isang protesta sa London, United Kingdom noong Nobyembre 11 para itulak ang panawagan para sa tigil-putukan at kundenahin ang patuloy na gerang henosidyo ng Israel sa Palestine. Lumahok ang mga organisasyong Pilipino sa naturang rali, na siyang pinakamalaking pagkilos sa London para sa kilusang Free Palestine mula […]
Binuksan ng Pilipinas at United States noong nakaraang linggo ang bagong kumpuning paliparan sa Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga. Ang Basa Air Base ay isa sa siyam na kampong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan may mga pasilidad ang militar ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). […]
Panibagong protesta ang inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan sa Department of Health (DoH) sa Maynila ngayong araw, Nobyembre 13, para ipanawagan ang dagdag-sweldo, mga benepisyong matagal nang naantala, at pagbabalik sa badyet na tinapyas sa sektor ng kalusugan. Lumahok sa protesta ang iba’t ibang unyon sa pribado at pampublikong ospital na kasapi ng Alliance of […]