Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Dinakip na hors de combat ng BHB-Mindoro, natunton na ng pamilya
November 03, 2023

Matapos ang ilang linggong paghahanap, natagpuan na ng kanyang mga kaanak si Sonny Rogelio (Ka Ed), isang hors de combat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro, sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City kung saan siya itinago ng militar. Si Rogelio ay dinakip, kasama si Sonny Sambutan (Ka Omeng), ng 203rd IBde sa Sityo […]

Mga kaanak ng biktima ng sapilitang pagkawala, nagtipon
November 02, 2023

Nagsama-sama ang mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng sapilitang pagkawala at pagdukot ng mga pwersa ng estado sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City noong Nobyembre 2, para alalahanin sila at igiit ang paglilitaw sa kanila. Hindi bababa sa 2,000 ang naitalang biktima ng sapilitang pagkawala simula panahon ng diktadurang Marcos Sr. […]

'Padyak kontra sindak,' inilunsad ng mga mamamahayag
November 02, 2023

Sama-samang nagbisikleta ang mga mamamahayag at nagtataguyod sa malayang pamamahayag noong Nobyembre 2, para gunitain ang International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists na idineklara ng United Nations noong 2013. Sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), nagbisikleta at naglunsad ng programa ang grupo sa Quezon City. Sa programa, […]

Planong kasunduang militar ng Japan at Pilipinas, binatikos
November 02, 2023

Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang planong pagpupulong ni Ferdinand Marcos Jr at Fumio Kishida, punong ministro ng Japan, na gaganapin sa Pilipinas sa darating na Nobyembre 3. Nakatakdang pagkaisahan dito ang isang military access agreement o “visiting forces agreement” na magpapahintulot sa “pagbisita” at pagpasok ng mga pwersa ng Japanese Self-Defense Forces sa […]

Internasyunal na grupo ng mga parlamentarista, sumuporta kay Rep. Castro
November 01, 2023

Naglabas ng pahayag ang Inter-Parliamentary Union (IPU), isang internasyunal na organisasyon ng mga parlamentarista, para suportahan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro laban sa pagbabanta sa kanyang buhay ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Anang IPU, kinilabutan sila sa pagbabantang binitawan ni Duterte sa telebisyon laban sa isang parlamentarista. “Kinukunsidera namin […]

27 bahay ng magsasaka sa Bukidnon, dinemolis ng pulis at militar
November 01, 2023

Sa atas ng mangangamkam ng lupa, dinemolis ng mga sundalo ng 88th IB at ng lokal na pulis ang 27 kabahayan, sa P4, Barangay Guinuyuran, Valencia City, Bukidnon noong Setyembre 26. Ang 69-ektaryang lupang inaagaw ni Dr. Roperto Kisteria simula pa 2016 ay pag-aari ng 26 na magsasakang mayroong hawak na papeles. Ayon sa pamilya […]

Daan-daan, nagprotesta sa embahada ng Israel sa Metro Manila
November 01, 2023

Higit 600 ang nagprotesta sa embahada ng Israel sa Bonifacio Global City, Taguig City kahapon, Oktubre 31, para batikusin ang okupasyon, walang-tigil na pambobomba, at henosidyo ng Zionistang gubyerno ng Israel sa Gaza. Pinangunahan ang protesta ng International League of Peoples’ Struggles (ILPS) at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sa kabila ng panggigipit at panghaharang ng […]

2 nadakip na hors de combat ng BHB, itinatago ng 203rd IBde
October 31, 2023

Dalawang hors de combat na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro ang nadakip ng 203rd IBde noong ikatlong linggo ng Oktubre. Hindi pa sila inililitaw hanggang ngayon. Sa imbestigasyon ng BHB-Mindoro, nasa kamay ng mga sundalo ang sugatang mandirigma na si Sonny Rogelio (Ka Ed) at si Sonny Sambutan (Ka Omeng). Ang dalawa ay […]

Pagtatakas ng 2 makina ng kumpanyang Technol Eight, binatikos ng unyon
October 30, 2023

Binatikos ng mga manggagawa ng Technol Eight Philippines at ng unyon nitong Technol Eight Philippines Workers’ Union (TEPWU) ang pagtatakas ng kumpanya ng dalawang makina mula sa pagawaan nito sa Biñan, Laguna noong Oktubre 31. Anang unyon, nasa 20 manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil dito. Sinubukan pa umanong harangin ng mga manggagawa ang pagtatakas […]

Pagbuwag sa protestang kontra-mina sa Palawan, kinundena
October 30, 2023

Kinundena ng mga grupong maka-kalikasan ang pagbuwag sa protesta ng mga grupong kontra-mina sa Barangay Maasin, Brooke’s Point sa Palawan laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) noong Oktubre 25. Nananawagan ang mga nagpuprotesta na kagyat na itigil ang pagmimina at tuluyan na itong isara. Hinaing ng mga grupo, labag ang mga operasyon ng […]