Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Naglabas ng pinag-isahang pahayag ang pitong grupo ng mamamahayag sa Southeast Asia para kundenahin ang walang pakundangang pamamaslang sa mga mamamahayag at iba pang sibilyan. “Itinuturing namin itong pundamental na paglabag sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas,” pahayag ng mga organisasyon noong Oktubre 27. Nakiisa rin sila sa lahat ng mga mamamahayag at […]
Nagsama-sama ang mga manggagawang pangkalusugan sa inilunsad na “Health Workers Run for Salary Increase” sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City noong Oktubre 26 para ipamalas ang kanilang pagkakaisa sa panawagang dagdag-sweldo. Sa aktibidad na ito, sama-samang tumakbo ang mga manggagawang pangkalusugan sa palibot ng naturang parke. “Sa harap ng sumisirit na presyo ng mga […]
Daan-daang rider o mga tagadeliber ng kumpanyang Grab ang nagprotesta sa Quezon City noong Oktubre 25 para batikusin ang hindi makatarungang pagkakaltas ng ₱10 na kita nila kada deliberi. Dahil sa kaltas, ang dating ₱45 na minimum na kita nila kada deliberi ay magiging ₱35 na lamang. Kinundena rin ng grupo, sa pangunguna ng National […]
Nagsama-sama ang mga estudyante ng Rizal Technological University (RTU) sa kampus nito sa Mandaluyong City noong Oktubre 27 para magtirik ng kandila at manawagan ng hustisya sa pagkamatay ng estudyante sa grade 7 na si Yuwan Lorenzo Magdato. Si Magdato, 12 taong gulang, ay nagpatiwakal noong Oktubre 19 dahil sa isyu sa kanyang pag-aaral. Sa […]
Nagtipon ang ilandaang Moro sa Luneta Grandstand sa Maynila noong Oktubre 26 para ipahayag ang kanilang suporta sa mamamayang Palestino at tutulan ang nagaganap na henosidyo ng Israel sa Gaza. Ang protestang ito ay bahagi ng serye ng mga pagkilos na isinagawa ng mga Moro sa Marawi, South Cotabato, Tawi-tawi at Sulu. Sa South Cotabato, […]
Inianunsyo noong Oktubre 26 ng mga freelancer na mamamahayag ang pagtatatag ng kanilang samahan na Filipino Freelance Journalists’ Guild (FFJ) noong Oktubre 21. Ayon sa FFJ, nabuo ang kanilang samahan matapos ang dalawang taong pagsisikap sa pag-oorganisa at pananaliksik sa pagtatayo ng samahang pangunahing nakatutok sa kagalingan at karapatan ng mga freelancer na mamamahayag sa […]
Tinatayang nasa 50.9 milyon o 44.7% ng mga Pilipino ang dumanas ng katamtaman (moderate) hanggang pamalagiang (chronic) “food insecurity” o kalagayang wala silang katiyakan kung saan kukunin ang sunod na makakain. Ang ganitong pagtaya ay nakabatay sa isinagawang sarbey ng United Nations na sumasaklaw sa mga taong 2020 hanggang 2022. Pinakamataas ang bilang ng mga […]
Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Ilocos ang kakarampot na ₱35 dagdag-sahod na inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong nakaraang linggo. Sisimulang ipatupad ang dagdag-sahod ng mga manggagawa sa Nobyembre 6. “Maliwanag na ang kakarampot na dagdag-sahod na ito ay hindi makasabay sa patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas, langis at iba […]
Ipinasa ng United Nations General Assembly noong Oktubre 27 ang resolusyong nananawagan para sa isang “humanitarian truce” o makataong pagtigil ng mga atake, para bigyan-daan ang pagpasok ng ayudang makatao sa Gaza Strip. Nangangahulugan ito pangunahin ng pagtigil ng pambobomba ng Israel sa lugar. Pumasa ang resolusyon na may 120 pabor, 14 na di sang-ayon […]
Matapos ang sunud-sunod na pagtutol ng iba’t ibang organisasyong ekyumenikal at mga taong-simbahan, inianunsyo ng komisyon sa pampublikong ugnayan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkalas nito sa pasistang makinarya ng National Task Force (NTF)-Elcac noong Oktubre 23. Kinumpirma ito ni Father Jerome Secillano, kalihim sa ehekutibo ng komisyon. Mistulang pagbunot sa […]