Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Iginiit ngayong araw, Oktubre 18, ng mga pambansa-demokratikong organisasyon at progresibong partido sa Kongreso ang kagyat na pagbabasura sa Maharlika Investment Fund (MIF), matapos ianunsyo ng Malacañang na ipinag-utos ni Marcos ang suspensyon sa pagpapatupad nito para diumano “repasuhin” ang mga alituntunin sa pagbubuo nito. Inilabas ni Marcos ang kautusan ilang araw matapos magpahayag ang […]
Mahigit 600 na ang naiulat na napatay sa pambobomba ng Israel sa Al-Ahli Arab Baptist Hospital sa hilangang bahagi ng Gaza kahapon ng umaga. Ang ospital ay isa sa 20 ospital sa Gaza na pinasasara ng Israel dahil sa plano nitong paglusob sa teritoryong Palestino. Tumanggi ang mga duktor at iba pang mga manggagawang pangkalusugan […]
Lima ang kaswalti sa hanay ng 59th IB sa pananambang ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Batangas sa Barangay Bignay, Lobo, Batangas noong Oktubre 16 ng umaga. Ayon sa ulat ng BHB-Batangas, pinasabugan nila ng command-detonated explosive o CDX ang nag-ooperasyong iskwad ng 59th IB sa naturang barangay, na sinundan ng mga Pulang […]
Nagmartsa ang humigit-kumulang 100 manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Justice for Negros noong Oktubre 15 sa Taft Avenue sa Maynila para manawagan ng hustisya sa gitna ng kagutuman, malnutrisyon at kahirapan sa Negros. Binuo ang Justice for Negros Campaign noong Agosto 2023, para itulak ang gubyerno ng Pilipinas na tugunan ang kinahaharap na mga suliranin […]
Nagtaasan ang halaga ng mga sapi ng mga dambuhalang kumpanyang Amerikano na nagmamanupaktura ng armas sa harap ng pinatinding kampanyang henosidyo ng Israel laban sa Palestine. Sa unang limang araw ng henosidyo, tumaas nang 6.09% ang sapi ng Raytheon, ang kumpanyang gumagawa ng mga sistemang radar at misayl, kabilang ang “Iron Dome” ng Israel. Tumaas […]
Nagprotesta ang mga magsasaka, kasama ang iba pang demokratikong sektor, sa pambansang upisina ng Department of Agriculture sa Quezon City kahapon, Oktubre 16, para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Pagkain (World Food Day) na idineklara ng United Nations. Taunan itong ginugunita ng mga magsasaka bilang “World Hunger Day” o Pandaigdigang Araw ng Kagutuman para bigyang […]
Inilunsad ng mga drayber at opereytor ng dyip at iba pang pampublikong transportasyon ang tigil-pasada kahapon, Oktubre 16, para tuligsain ang korapsyon sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr). Ang tigil-pasada ng mga drayber at opereytor sa pangunguna ng grupong Manibela ay suportado rin ng Pagkakaisa ng […]
Sa darating na Oktubre 19, papasok na sa ika-6 taon ang iligal na detensyon ng reaksyunaryong estado kina Benito Quilloy at Rita Espinoza, parehong kasapi ng ng ASCENT (Assert Socio-Economic Initiatives Network). Ang ASCENT ay network ng mga organisasyong nagtataguyod sa karapatan sa kaunlaran. Sina Quilloy at Espinosa ay hindi makatarungang inaresto ng mga pwersa […]
Sa isang pinag-isang pahayag na inilabas noong Oktubre 14, pumirma ang lahat ng mga partido sa Mababang Kapunungan para ipagtanggol si Deputy Minority Leader at ACT Rep. France Castro laban sa redtagging at pambabanta ni dating presidente Rodrigo Duterte. Nanawagan sila sa dating pangulo at lahat ng partidong sangkot na iwasan ang “pagbabanta o paghahayag […]
Nagtayo ng barikada ang mga residente ng Sityo Balubad, Barangay Anunas, Angeles City sa Pampanga para labanan ang planong demolisyon ng Clarkhills Properties Corporation sa kanilang mga bahay. Apektado ng demolisyon ang nahigit 500 kabahayan sa 72-ektaryang lupang kinakamkam ng naturang kumpanya. Tinatayang 2,000 residente ang maapektuhan ng pang-aagaw ng lupa. Liban dito, pinangangambahan ding […]