Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Kinundena ng September 21 Movement-South Negros, isang grupo nagtataguyod sa karapatang-tao, ang walang patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 62nd IB sa Sityo Kapaklan, Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental noong Oktubre 6, bandang ala-1 ng madaling araw. Ang pamamaril ay naganap malapit sa bahay ng isang residente sa lugar. Pinasinungalingan ng grupo ang sinabi ng […]
Inilipat na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang confidential at intelligence funds o CIF ng limang kagawaran ng estado matapos itong malawakang batikusin ng maraming sektor nitong nagdaang mga linggo. Gayunpaman, imbes na ilaan ito sa mga kagawarang nagbibigay ng batayang serbisyo, idinagdag ang pondo sa mga ahensya sa seguridad na pinakabantog sa ektra-hudisyal na […]
Iniulat kamakailan ang serye ng sunud-sunod na harasment, intimidasyon at tangkang masaker sa masa ng Camarines Norte sa nagdaang tatlong buwan. Biktima ng karahasang militar ang mga residente at sibilyang populasyon sa mga barangay sa bayan ng Labo at Jose Panganiban sa Camarines Norte. Noong Setyembre 27, isang grupo ng mga katutubo ang tinangkang imasaker […]
Dalawang kababaihan sa Bongabong, Oriental Mindoro ang ginahasa ng mga sundalo ng 203rd IBde at CAFGU noong Agosto, ayon sa ulat ng National Democratic Front (NDF)-Mindoro noong Oktubre 8. Paulit-ulit na sinindak at binayaran ng mga sundalo ng ilampung libong piso ang isa sa biktima para patahimikin siya at ang kanyang pamilya. Ginahasa si “Rose,” […]
Hindi bababa sa 10 ang kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala sa mga barangay ng Silvino Lobos, Northern Samar sa unang hati ng 2023. Dahil sa tindi ng militarisasyon at teroristang paninibasib ng 8th ID at mga pulis, kamakailan lamang naiulat ang mga ito. Ang mga kasong ito ay maituturing na krimen sa digma […]
Wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga kaanak at pamilya ng magsasakang si Jonny Gorpido Albario, 42 anyos, na brual na pinaslang ng berdugong 20th IB noong Oktubre 10, 2022 sa Barangay San Miguel, Las Navas, Northern Samar. Matapos barilin, si Albario ay dalawang beses pang sinaksak ng mga sundalo—isa diretso sa puso at isa […]
Humarap sa dalawang magkasunod na konsultasyon sa mga ahensya ng gubyerno ang mga mag-aalimango at mangingisda sa Gubat, Sorsogon noong Oktubre 5 para igiit ang kanilang karapatan sa kabuhayan at ipahayag ang pagtutol sa pahirap na Fisheries Administrative Order (FAO) 264 at planong pagtatayo ng coastal road. Kinumpronta ng Save Gubat Bay Movement (SGBM) ang […]
Nagprotesta ang mga progresibong organisasyon sa Department of Finance (DoF) sa Maynila ngayong araw para batikusin ang pagbubukas ng taunang pulong ng International Monetary Fund-World Bank (IMF-WB) sa Marrakech, Morocco mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 15. Pinangunahan ang pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at International League of Peoples’ Struggle sa DoF, na anito’y “satellite” […]
Nakalaya noong Oktubre 6 si Danah Marie Marcellana, istap ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), matapos makapagpyansa sa gawa-gawang kasong rebelyon na isinampa sa kanya ng militar. Pinararatangan siya ng militar na imbwelto sa isang insidente noong 2008, noong siya’y 12 anyos pa lamang. Si Marcellana ay inaresto noong Hulyo 2021 […]
Hindi bababa sa apat na sundalo ng 84th IB ang napatay sa Barangay San Fernando Sur, sa bayan ng Laur, Nueva Ecija noong Oktubre 8 ng hapon nang makasagupa ng mga ito ang isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Nueva Ecija. Marami pa ang nasugatan sa hanay ng pasistang tropa, ayon sa BHB. Ilang araw […]