Archive of AB Dailies

22 sundalo ng 37th IB, napatay sa mga opensiba ng BHB-Sultan Kudarat
September 03, 2023

Hindi bababa sa 22 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay sa mga taktikal na opensiba ng inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa kampanya ng pagkontra sa mahigit dalawang buwan nang laking dibisyong operasyon ng 6th ID mula pa noong Hunyo 15. Pinakilos sa naturang focus military operation ang 37th IB, […]

Dalawang organisador ng mangingisda, dinukot sa Bataan
September 03, 2023

Dinukot ng pinaniniwalaang mga pwersa ng estado ang dalawang kababaihang organisador ng mangingisda na sina Jhed Tamano, 22, at Jonila Castro, 21, noong Setyembre 2 ng gabi. Ayon sa mga nakasaksi, marahas na isinakay sa isang gray na SUV ang dalawa sa harap ng Orion Water District sa Barangay Lati, Orion, Bataan. Si Tamano ay […]

Presensya ng US Navy sa Quezon, ikinabahala ng mamamayan
September 02, 2023

Lubhang nabahala ang mga residente ng Atimonan, Quezon sa nabunyag na presensya ng mga sundalong Amerikano sa kanilang bayan noong Agosto 13. Naiulat na nagsasagawa ng sarbey ang isang tim ng US Navy, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa naturang bayan. Ayon sa mga residente sa lugar, nagsarbey ang mga sundalong Amerikano […]

Limang M16, nasamsam ng BHB-Quezon sa isang ambus
September 02, 2023

Nasamsam ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon ang limang ripleng M16, mga bala at iba pang kagamitang militar sa isang ambus laban sa mga pasistang tropa ng 85th IB at CAFGU sa Sityo Pag-asa, Barangay Mapulot, Tagkawayan, Quezon kahapon nang umaga. Limang sundalo ang napatay habang apat ang kumpirmadong nasugatan sa berdugong 85th […]

Mga protestang suporta sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, inilunsad sa buong mundo
September 01, 2023

Inilunsad nitong Agosto 26 sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga protesta at aktibidad bilang pagsuporta sa kilusan para sa pambansang pagpapalaya sa Pilipinas. Pinamunuan ang Global Day of Action ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS), internasyunal na grupong sumusuporta sa pambansa-demokratikong kilusan ng Pilipinas. Naglunsad ng pagkilos at aktibidad ang […]

Tatlong sibilyan, tinangkang patayin ng 2nd IB sa Masbate
September 01, 2023

(Itinuwid- September 6, 2023) Tinangkang patayin ng mga pwersa ng 2nd IB ang tatlong sibilyan sa isang bahay sa Sityo Milagro, Barangay Guindawhan, Pio V. Corpus, Masbate noong Agosto 30. Naunang iniulat noong Setyembre 1 na napaslang sa masaker ang tatlo ngunit kamakailan ay nakumpirma na nakatakas ang mga biktima mula sa brutal na krimen […]

Tatlong inaresto sa Batangas, iginiit na palayain
August 31, 2023

Nanawagan ang mga kaanak ng biktim at grupo sa karapatang-tao sa Batangas na palayain ng mga pwersa ng estado ang tatlong dinukot at ikinulong ng mga pulis noong Agosto 24 sa San Juan, Batangas. Kinilala ang mga biktima na sina Ernesto Baez Jr, Jose Escobio, at Junald Jabonero. Dinampot sila ng mga pulis habang bumabyahe […]

Pandaigdigang Araw ng mga Desaparesido, ginunita
August 31, 2023

Sama-samang ginunita kahapon, Agosto 30, ng mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang Pandaigdigang Araw ng mga Desparesido. Iginiit nila ang kagyat na paglilitaw at pagbibibigay ng hustisya sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan na dinukot at winala ng mga ahente ng estado. Sa Manila, nagpiket ang mga grupo […]

Diokno, pinangaralan ng kabataan
August 29, 2023

Sinagot kamakailan ni Kabataan Rep. Raoul Manuel ang pahayag ni Benjamin Diokno, kalihim ng Department of Finance, na “di sustenable” at “kontra-mahirap” ang libreng tuition fee sa kolehiyo. Ang Kabataan Partylist ang awtor ng batas na nagtulak para sa libreng matrikula sa mga pampublikong universidad at kolehiyo. Sa pagkwestyon ni Diokno sa batas na ito […]

41% ng mga estudyante sa kolehiyo, tumigil sa pag-aaral sa panahon ng pandemya
August 29, 2023

Halos kalahati, o 41.6% ng mga estudyante sa kolehiyo ang tumigil sa kanilang pag-aaral noong panahon ng pandemya. Alinsunod ito sa datos na ipinrisinta ng Commission on Higher Education sa pagdinig ng Kongreso ng badyet ng ahensya noong Agosto 23. Ibinase ng ahensya ang taya na ito sa bilang ng mga estudyanteng nagtapos ngayong taon […]