Pagkamatay ng unyonista sa Davao, isinisi sa panggigipit ng militar

,

Ibinubunton ng mga kaanak ni Susano Echavez Labora ang sisi sa kanyang pagkamatay sa panggigipit ng mga ahente ng militar. Na-stroke ang 60-taong gulang na unyonista ng Davao City na si Labora noong Mayo 6. Ito ay matapos Nagdulot ng labis na troma at takot sa kanya ang magkakasunod na pagbisita at interogasyon sa kanya ng mga ahente ng estado noong Mayo 4 at 5.

Sa ulat ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Southern Mindanao Region, binista si Labora sa kanyang bahay sa Barangay Tigatto, Davao City ng mga nakasibilyang ahente ng Philippine Army noong Mayo 4. Tinakot ng mga ito si Labora at pinilit siya na “makipagtulugnan” sa kanila at magsilbing aset pang-intelidyens ng militar sa loob ng mga organisasyong kanyang kinabibilangan tulad ng Kilusang Mayo Uno-SMR. Ininteroga din ang matandang si Labora sa kanyang trabaho at kinaroroonan sa nagdaang tatlong taon.

Hindi pa nakuntento, muli siyang “kinausap” ng mga sundalo kinabukasan. Ayon sa salaysay ng pamilya, pinilit si Labora ng mga sundalong makipagkita sa Buhangin kung saan sinundo siya ng isang puting van para ipagpatuloy ang interogasyon at “linisin” ang kanyang pangalan. Pagsapit ng hapon, napansin umano ng mga kaanak na nanghihina ang matanda at walang ganang kumain.

Ayon sa KMU-SMR, noong 2021 pa inalerto sila ni Labora sa pagmamanman ng mga kahina-hinalang taon at van malapit sa kanyang bahay. Ayon sa grupo, hindi ito ang unang kaso ng panggigipit sa mga unyonista sa rehiyon, na anila, ay tumindi simula 2019 sa pangunguna ng National Task Force-Elcac.

Nanguna si Labora sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa plantasyon ng saging sa Davao de Oro.

AB: Pagkamatay ng unyonista sa Davao, isinisi sa panggigipit ng militar