Balita

Pagpaslang sa 2 tagapagtanggol ng kalikasan sa Davao, kinundena

,

Umani ng malawakang pagkundena ang pagpaslang kina Rudolph Dela Cruz Espe at Rico Gonzaga Malubay, mga tagapagtanggol ng kalikasan at karapatan ng katutubo. Pinatay sila sa Banaybanay, Davao Oriental noong Hulyo 27.

Pinanagot ng grupong Katribu ang administrasyong Marcos sa pagpaslang na ito. “Naganap ang krimen mismo bago ang kanyang 4th State of the Nation od Addess kung saan sinabi niyang mas mapayapa na ang Pilipinas ddahil sa gawaing kontra-insurhensya ng Armed Forces of the Philippines at PHilippine National Police,” ayon sa Katribu.

Malinaw na hindi nanggagaling ang kapayapaan sa mga pwersa ng estado, at wala rin silang ginagawa para tugunan ang krimen at paglabag sa karapatang-tao sa bansa, anito.

Hindi “isolated” ang kaso ng pagpaslang ng dalawang kilalang lider sa kanilang komunidad. Liban sa kanila, pinaslang din ng mga pwersa ng estado sa ilalim ng rehimen ang iba pang mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo at Moro tulad nina Antonio Diwayan, Elioterio Ugking at Ali Macalintal. Isa pang tapagtanggol ng karapatang-tao, si Warren Cahayag ay malubhang nasugatan nang ilang beses siyang barilin sa Purok Bliss, Barangay Calumpang sa General Santos City noong Hulyo 28.

Tadtad ng mapangwasak na pagmimina ang Davao Oriental na nagdudulot ng malawakang pinsala sa kapaligiran at pagkamatay ng mga isda sa mga ilog at kalapit na karagatan. Kabilang sina Dela Cruz Espe at Gonzaga sa mga tumututol sa mga operasyon ng mga minang ito. Nagsilbi rin silang mga paralegal ng mga abugado mula sa Ateneo de Davao University.

AB: Pagpaslang sa 2 tagapagtanggol ng kalikasan sa Davao, kinundena