Panggigipit sa mga katutubong Dumagat ng 80th IB, nagpapatuloy
Kinundena ng Karapatan Rizal ang patuloy na panggigipit at pananakot ng mga elemento ng 80th IB sa mga katutubong Dumagat sa Barangay Sta, Inez, Tanay, Rizal matapos isagawa sa naturang lugar ang International Solidary Mission. Layon ng aktibidad na ilantad ang kalagayan ng mga katutubo sa harap ng militarisasyon at mga proyektong banta sa kabundukan ng Sierra Madre.
Ayon sa ulat ng mga residente, dumalas ang presensya ng militar sa komunidad at nagsimulang magpatawag ng mga residente para sa interogasyon matapos ang ISM. Pinipilit ng mga sundalo ang mga katutubo na magbigay ng impormasyon hinggil sa mga lumahok sa aktibidad.
“Malinaw na paglabag sa karapatang-tao ang ginagawa ng militar at panibagong patunay ito sa tumitinding militarisasyon sa mga komunidad ng katutubo sa Rizal,” paliwanag ni Saara Rapisora, koordineytor ng Karapatan Rizal.
Nananawagan ang grupo sa mamamayan na makiisa sa panawagan na itigil ang panggigipit sa mga Dumagat, igalang ang kanilang karapatan sa lupaing ninuno at palayain ang 80th IB sa kabundukan ng Tanay.