Balita

Pilipinong imigrante na tumulong sa pagbuwag sa sindikato ng droga sa US, nahaharap sa deportasyon

, ,

Isa pang imigranteng Pilipino ang dinakip ng mga upisyal ng US noong Hulyo at kasalukuyang nakakulong sa estado ng Georgia. Pabalik si Sonny Lasquite sa US mula sa bakasyon sa Bahamas nang dakpin sya sa Charlotte International Airport, North Carolina noong Hulyo 28 ng mga ahente ng US Customs and Border Patrol (CBP). Si Laquite, 44 taong gulang, ay mahigit dalawang dekada nang naninirahan sa US.

Ayon sa CBP, dinakip si Laquite dahil sa dati niyang kaso na may kinalaman sa iligal na droga noong 2012 na matagal nang naresolba. Batay sa mga dokumento sa korte, pinatawan lamang sya ng “time served” at magbayad ng $200 matapos nyang tumulong sa mga awtoridad sa US sa pagbuwag sa isang internasyunal na sindikato ng droga sa bansa. Pito katao ang nakulong, kabilang ang lider ng grupo dahil sa kanyang pagtulong.

Kasalukuyang nakakulong si Lasquite sa Stewart Detention Center sa Georgia kung saan hindi siya binibigyan ng karampatang atensyong medikal. Isa siya sa 38 mga Pilipinong kasalukuyang nakakulong sa mga pasilidad ng ICE sa US ayon sa Department of Foreign Affairs ng Pilipinas.

Nagpaabot ng pagsuporta ang Tanggol Migrante Network para sa pagpapalaya sa kanya.

AB: Pilipinong imigrante na tumulong sa pagbuwag sa sindikato ng droga sa US, nahaharap sa deportasyon