Balita

Planong pagkwari sa bundok Bulusan, napigilan ng mamamayan

Naglabas ng kautusan ang upisina ng gubernador ng Sorsogon noong Setyembre 10 para ipasuspinde ang permit ng Siating Construction and Development (SCAD) Corporation para sa pagkwari ng bato at buhangin sa Barangay San Roque sa bayan ng Bulusan, Sorsogon.

Ayon sa dokumento, ibinatay ng gubernador ang desisyon sa hinain na position paper ng San Roque Ecological Initiative (SREI) ng Barangay San Roque sa upisina nito noong Agosto 4. Ayon sa SREI, dapat isuspinde ang permit ng kumpanya dahil sa kawalan ng pampublikong konsultasyon at hindi pagpapaalam sa mga residente na may planong pagkwari sa kanilang barangay. Malapit ng target na lugar ng kwari sa Bulusan Volcano Natural Park (BVNP), na isang protected area.

Matatandaang nangalap ng pirma ng mga residente Ang SREI noong Hunyo upang tutulan ang planong pagkwari sa kanilang komunidad.

Noong Setyembre 9, nagpahayag ng mariing pagtututol ang mga residente ng barangay San Roque sa Committee Hearing ng Sangguniang Bayan. Dahil dito, nagrekomenda ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na isuspendi ang permit ng SCAD Corporation.

AB: Planong pagkwari sa bundok Bulusan, napigilan ng mamamayan