Sibilyan, pinalalabas na NPA, pinatay ng 62nd IB sa Guihulngan City

Marahas na dinakip at pagkatapos ay pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB ang sibilyang si Orlando Fat sa Sityo Banderahan, Barangay Trinidad, Guihulngan City noong Enero 10 ng umaga. Pinalalabas ng mga sundalo na nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng yunit nila at ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa naturang lugar nang limang minuto na nagresulta sa pagkamatay ni Fat. Naglagay pa ang mga sundalo ng mga magasin, mga bala at iba pang kagamitang militar para pagtakpan ang karumal-dumal na pagpaslang.

Ayon sa mga ulat, bahagi ang pagpaslang kay Fat ay bahagi ng malaking operasyong kombat na inilulunsad ng 62nd IB sa mga barangay na nasa bawndari ng Guihulngan City, Canlaon City at bayan ng Moises Padilla.

Pinuputakte ng mahigit 300 sundalo ang mamamayan ng barangay ng Trinidad at Calupa-An sa Guihulngan City, sa Barangay Budlasan, Canlaon City at Barangay Macagahay, Moises Padilla.

Naghahatid ng perwisyo ang presenya ng militar sa mga residente at malaking pagkagambala sa kabuhayan ng mga magsasaka.

AB: Sibilyan, pinalalabas na NPA, pinatay ng 62nd IB sa Guihulngan City