Pinagtatakpan ng Armed Forces of the Philippines ang katotohanang bigo ang focused military operation (FMO) na inilunsad nito sa Mt. Hilong-hilong sa North Eastern Mindanao noong nakaraang buwan para makapanghambog at iwasan ang kahihiyan. Ito ang pahayag ni Ka Sandara Sidlakan, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-North Eastern Mindanao Region, noong Setyembre 4. Matatagpuan ang […]
PINATITINDI NG MGA tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panghihimasok nito sa mga paaralan at unibersidad sa buong bansa. Ito ay sa kumpas ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na itinatag sa bisa ng Executive Order No. 70. Nakabalangkas ang mga ito sa kampanyang “kontra-insurhensya” na “whole-of-nation approach” […]
Badyet para sa kapayapaan at pag-unlad—ganito inilarawan ng rehimeng US-Duterte ang panukalang P4.1 trilyong panukalang pambansang badyet para sa 2020. Ngunit malayo ito sa katotohanan. Ang multi-trilyong badyet ng reaksyunaryong gubyerno ay nakalaan para sa pangungurakot, pagpondo sa anti-mamamayang mga programa at proyekto, at pagpapaigting ng pasismo. Ang P4.1 trilyong panukalang badyet para sa 2020 […]
SA NORTH EASTERN MINDANAO Region (NEMR), iniulat ni Maria Malaya na umaabot sa P60,000 ang naibubulsa ng bawat upisyal ng AFP sa kanilang mga palabas ng pekeng pagpapasurender. Sa ulat ng ilang mga barangay at komunidad sa rehiyon, pinangangakuan ang mga napipilitang sumuko nang P65,000 bawat isa. Ang totoo, mayorya sa kanila ay walang natatanggap. […]
NAGBUKAS NOONG Setyembre 2 sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City ang Bakwit School (Paaralang Bakwit) para sa kasalukuyang taon. Nasa 50 mag-aaral na Lumad, kanilang mga guro at lider ang dumalo sa aktibidad. Samantala, 155 mag-aaral ang dumalo sa pagbubukas ng Bakwit School sa UCCP Haran sa Davao City. Ayon sa administrasyon ng […]
ILIGAL NA INARESTO noong Agosto 23 ng pinagsanib na mga elemento ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines si Esterlita Suaybaguio, 60, sa Cubao, Quezon City. Si Suaybaguio ay konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pakikipag-usapang pangkapayapaan nito sa GRP. Inaresto siya base sa itinanim na ebidensyang baril […]
TAGUMPAY ANG IKALAWANG welga ng mga manggagawa ng Monde Nissin noong Agosto 27 matapos magkasundo ang Monde Nissin Labor Association-LIGA (MNLA-LIGA) at maneydsment kaugnay sa isyu ng pagtatanggal sa 176 manggagawa. Kabilang sa napagkasunduan ay pagbabayad ng maneydsment nang di bababa P100,000 na separation pay sa bawat sinisanteng kontraktwal na manggagawa. Una nang nagwelga ang […]
SUMADSAD TUNGO SA pinakamababang halaga na P7/kilo ang presyo ng lokal na palay noong Agosto mula sa pinakamataas na P22-24/kilo noong nakaraang taon. Ito ay matapos bahain ang merkado ng relatibong mas murang bigas mula sa labas ng bansa. Dahil dito, bumagsak ng 1.27% ang produksyong agrikultural sa pangalawang kwarto ng taon, pinakamababa sa nakaraang […]
Kinundena ng Solidarity of Peasants Against Exploitation (Stop Exploitation) ang pagbabansag sa kanila ni Lt. Col. Charles Castillo ng 81st IB bilang ligal na prente ng PKP-BHB. Ginawa ito ni Castillo matapos ang dayalogo ng grupo ng mga magsasaka at ng militar sa upisina ni Gov. Ryan Singson sa kapitolyo ng Ilocos Sur noong Agosto […]
MAHIGIT 1,700 kriminal na nahatulan sa karumal-dumal na mga krimen ang pinalaya ng rehimeng Duterte sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA). Isinasaad sa batas ng GCTA na maaaring makalaya nang mas maaga ang mga bilanggo, kahit yaong hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo, kapag magpakita ang mga ito ng maayos na ugali. Nalantad ang […]