Mga kababaihan, nagprotesta laban sa tumitinding kagutuman. Bitbit ang mga kaldero at kaserola, kinalampag ng mga myembro ng Gabriela, Gabriela Women’ Party at Amihan ang Department of Agriculture noong Hulyo 7 hinggil sa tumitinding kagutuman ng mamamayan. Binanggit nila ang kamakailang sarbey ng Social Weather Stations, na nagsasabing isa sa bawat limang pamilyang Pilipino, […]
Tuluy-tuloy ang pagliligalig ng militar at pulis sa mga komunidad ng magsasaka sa Cavite, Masbate at Negros Occidental. Sa Masbate, inaresto at sinampahan ng kasong rebelyon ang apat na sibilyan. Dinakip noong Hunyo 25 sa Barangay Baras, Esperanza sina Ronnie Ursal, Manlik Espinosa at Melicio Malaras, at noong Hunyo 11 si Vicente Colomna. Liban kay […]
Sa nakaraang dalawang taon, todo-todo ang pagpapalawak ng US ng presensyang militar at pagtatayo ng mga estratehikong imprastrukturang militar nito sa Pilipinas. Noong 2024, ipinwesto nito ang Typhon Missile Sytem sa hilagang Luzon. Sinundan ito ngayong taon ng pagpasok ng NMESIS, MADIS at iba pang mga sandatang panggera. Nitong taon din, inangkin ng US ang […]
Kumahaharap sa banta ng pagpapalayas ang mga magsasaka sa 21 ektarya at 79 ektaryang lupang kanilang binubungkal sa Hacienda Chiquita sa E.B. Magalona, Negros Occidental. Itinakdang ipamamahagi ang lupa sa ilalim ng bogus na Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER), pero ngayon ay muling inaagaw ang lupa mula sa kanila. Nakatira at nagbubungkal […]
Nanindigan ang mga residente ng Ilocos Sur laban sa mapangwasak na operasyong dredging ng Isla Verde Mining and Development Company (IVMDC) sa bukana ng Abra River at sa bahagi ng West Philippine Sea na saklaw ng prubinsya. Sama-sama silang naglayag sa isang fluvial protest noong Hulyo 16 para igiit ang pagpapatigil sa operasyon na anila […]
Sa una niyang State of the Nation Address, inihayag ni Marcos na ang renewable energy (RE) ay ituturing ng kanyang gubyerno na susing sektor para diumano sa pagpapaunlad ng ekonomya ng bansa. Mula noon, naging agresibo at lantaran ang pangangamkam ng lupa at pagsira sa kalikasan para bigyang daan ang mga mamumuhunan sa RE sa […]
Download
Muling sumiklab sa Kenya noong Hunyo ang galit at protesta laban sa anti-mamamayang panukala ng pagbubuwis at pagpapakatuta ng gubyerno dito. Noong Hunyo 25, libu-libong Kenyan ang humugos sa mga lansangan ng Nairobi, Mombasa, Kisii at ibang syudad para gunitain ang mga protesta noong nakaraang taon. Hindi bababa sa 16 ang napatay at mahigit 400 […]
Sunud-sunod na petisyon ang isinumite ng kampo ni dating presidente Rodrigo Duterte para ibalam ang pagdinig sa kanyang kasong krimen laban sa sangkatauhan sa Pre-Trial Chamber 1 ng International Criminal Court (ICC). Pinakahuli dito ang petisyon para sa “kagyat na status conference” na inihain noong Hunyo 17 para kwestyunin ang iskedyul ng pagharap ni Duterte […]