Download
Tanda ng bagong antas ng pag-igting ng tunggalian ng magkakaribal na paksyon ng naghaharing uring mga burukratang kapitalista ang sunud-sunod at magkakaugnay na pangyayari nitong nagdaang linggo: ang impeachment o pagsasakdal ng Mababang Kapulungan laban kay Vice President Sara Duterte at pagsisimula ng paglilitis sa Senado, ang kudeta sa Senado kaakibat ang paglitaw ni Sen. […]
Download
Sa nagdaang mga linggo, sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ay tuluy-tuloy ang protesta ng mga progresibong grupo para ipanawagan ang masusing paglilitis at pagpapanagot kay bise presidente Sara Duterte. Umusad na ang reklamong impeachment laban kay Duterte mula nang bumoto ang mayorya ng Kongreso para i-impeach siya hanggang sa pagtitipon ng mga senador […]
Malawakang kinundena ng iba’t ibang organisasyon ang pagkunsinti at pagtatanggol ng Senado kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, matapos ang tangkang paghahain sa kanya ng mandamyento de aresto na isinapubliko ng International Criminal Court (ICC) bandang hapon noong Mayo 11. Nasasakdal si dela Rosa bilang “indirect co-perpetrator” sa mga krimen laban sa sangkatauhan ng pagpatay, […]
Napaatras ng mga residente ng Barangay Imelda, Las Navas, Northern Samar ang plano ng mga tropa ng 20th IB na magtayo ng kampo militar malapit sa kanilang komunidad. Mahigpit itong tinutulan ng mga residente sa isang asembliya noong Marso. Planong itayo ang kampo sa isang burol na wala pang 50 metro ang layo sa huling […]
Naglunsad ng iba’t ibang antas ng sama-samang pagkilos ang mga manggagawa at unyon nitong Mayo para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kagalingan sa pamamagitan ng collective bargaining agreement (CBA). Sa Day 1 Craft Philippines Inc sa Laguna, nagtagumpay ang mahigit dalawang linggong welga ng mga manggagawa bilang pakikipaglaban para sa makatarungang CBA. Nakamtan nila […]
Sa iba’t ibang panig ng bansa, kumikilos ang mga magsasaka, magingisda at katutubo para sa kanilang karapatan sa lupa, kabuhayan at paninirahan laban sa mga lokal at dayuhang korporasyon at sa harap ng kapabayaan at pasismo ng rehimeng Marcos. Sa Benguet, naglunsad ng prayer vigil ang mga porter, manininda at residente sa La Trinidad Vegetable […]
Mahigit isang buwan nang walang nakakamtang hustisya ang pamilya at kaanak ng magsasakang T’boli na si Jonathan Kubot mula nang paslangin ng mga sundalo ng 105th IB. Pinatay siya ng militar noong Marso 25 sa Sityo Lam-afus, Barangay Lambangan, T’boli, South Cotabato. Ayon sa ulat, katatapos lamang maglinis ng palayan ni Kubot nang makita siya […]
Napatunayan sa inilunsad na National Fact-Finding and Solidarity Mission (NFFSM) ng mga progresibong grupo sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental noong Mayo 14 ang patung-patong na mga paglabag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas ng 79th IB sa naganap na Toboso masaker. Inimbestigahan nito ang pagpatay ng militar sa 10 Pulang mandirigma ng Bagong […]