Habang lubog sa kahirapan ang mayorya ng mamamayang Pilipino dahil sa pagpaimbulog ng presyo ng mga produktong petrolyo, lumulutang naman sa tubo sa langis ang malalaking imperyalistang bangko at ahensya sa pinansya at mga dambuhalang kumpanya sa langis. Sa nakaraang mga linggo, umaabot na sa halos ₱100 kada litro ang presyo ng gasolina, doble sa […]
Halos 100 magsasaka at kanilang mga tagasuporta ang iligal na inaresto noong Hunyo 9 sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Ang 83 sa kanila ay kinasuhan ng illegal assembly at malicious mischief. Apat na araw silang dumanas ng pagpapahirap mula sa mga pulis bago napalaya sa pamamagitan ng pagpyansa ng mahigit isang milyon noong Hunyo […]
Itinaas na ang antas ng kampanya para burahin ang mapapait na alaala ng 14-taong paghaharing militar ng diktadurang US-Marcos I ngayong nakabalik na sa estado-poder ang kanilang pamilya. Pinili ni Ferdinand Marcos Jr ang National Museum sa Lungsod ng Maynila bilang benyu ng kanyang inagurasyon bilang ika-17 presidente sa Hunyo 30. Aniya, ito ay dahil […]
Iligal na inaresto ang tagapagtanggol ng kalikasan na si Vertudez “Daisy” Macapanpan, 68, sa Barangay Burgos, Pakil, Laguna noong Hunyo 11. Dinumog ang kanyang tahanan ng 40 na elemento ng mga yunit ng pulis. Katatapos lamang niya noong magbigay ng pahayag sa isang pagtitipon laban sa mapanirang Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project na planong itayo sa […]
Barikada kontra mina sa Benguet. Nagbarikada ang mga upisyal at mga lider-katutubo ng Bulalacao, Mankayan, Benguet laban sa isinasagawang operasyon ng Crescent Mining Development Corporation noong Hunyo 18. Anila, ang kasunduan sa pagitan ng kumpanya at lokal na pamahalaan ay napaso noong na-karaang taon pa. Pagtatanggol sa pambansang soberanya. Naglunsad ng mga rali ang […]
Walang batayang itinalaga ng “Anti-Terrorism Council” (ATC) bilang mga “terorista” sina Ka Louie Jalandoni at 10 iba pang indibidwal sa Resolution No. 31 nito na isinapubliko noong Hunyo 15. Si Ka Louie ay kilalang negosyador ng National Democratic Front of the Philippines at itinuturing na “kapita-pitagang rebolusyonaryo at tagapagtaguyod ng pambansa-demokratikong kilusan.” Bukod kay Ka […]
Sa karera ng mga bilyunaryo, nasa ikalawang pwesto si Enrique Razon Jr., isa sa pinakamalaking burges-kumprador na kroni ni Duterte. Sa nagdaang anim na taon, napaburan siya sa mga kontrata sa gubyerno at militar, at nagkamal ng tubo mula sa pawis ng mga manggagawa at iba pang uring anakpawis. Sa panahon ng pandemyang Covid-19, halos […]
Susi ang industriya sa kemika at mga produktong kemika sa produksyong pang-agrikultura at halos lahat ng subsektor ng pagmamanupaktura. Kinikilala itong gulugod sa pambansang industriyalisasyon. Isa ito sa mga industriyang nangangailangan ng mataas na antas na teknolohiya at may relatibong mataas na dagdag-halaga. Sa Pilipinas, ito ang pangatlong pinakamalaking subsektor sa pagmamanupaktura—sunod sa pagkain at […]
Nadagdag sa mahabang listahan ng mga biktima ng paglabag sa mga tuntunin sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan si Stephen Corilla, isang manggagawa sa pabrika ng Universal Robina Corporation (URC) sa Tabok, Mandaue City, Cebu. Namatay si Corilla noong Hunyo 2 matapos umandar ang pulverizer machine ng kumpanya habang nasa loob siya nito. Ayon sa […]