Read here: Pilipino
Limang sundalo ng Scout Platoon ng 61st IB ang napaslang habang lima ang nasugatan sa ambus ng BHB-Panay sa hangganan ng Miag-ao, Iloilo at Sibalom, Antique noong Mayo 15. Ang yunit militar na ito ay sangkot sa pagmasaker sa Tumandok 9 at pagpaslang sa upisyal ng barangay sa Miag-ao at lider magsasaka na si John […]
Sa bisa ng inimbentong kaso ng tangkang pagpatay, inaresto ng mga pulis mula sa Caraga at 3rd Special Forces Battalion (SFB) si Marcela Diaz noong Mayo 14, alas-4 ng madaling araw sa Marihatag, Surigao del Sur. Myembro si Diaz ng Kapunungan sa mga Mag-uuma sa Surigao del Sur, na matagal nang nire-red-tag ng militar dahil […]
Daan-daang aktibista at magsasaka na lulan sa 20 sasakyan ang nagkaraban tungong Arayat, Pampanga upang ihimlay ang abo ni Joseph Canlas noong Mayo 14. Namatay si Canlas, bise-presidente ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, noong madaling araw ng Mayo 11 dulot ng mga kumplikasyong dala ng Covid-19. Inaresto siya noong Marso 30 at dalawang buwang idinetine […]
Nagpiket ang 10k Ayuda Network noong Mayo 17 sa harap ng Kongreso sa Quezon City para manawagan ng agarang ayuda para sa lahat, pagpasa ng ₱10,000 Ayuda Bill, ₱100 umento sa arawang sahod, bayad na “leave” dahil sa Covid-19 at ₱15,000 subsidyo sa mga magsasaka. Isinabay ang pagkilos sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso. Isinumite […]
Nakalaya na noong Mayo 14 ang tinaguriang Bakwit School 7 mula sa halos tatlong buwang pagkabilanggo matapos ibasura ng korte sa Davao del Norte ang gawa-gawang mga kaso laban sa kanila. Ang Bakwit School 7 ay sina Chad Booc, Roshelle Mae Porcadilla, Benito Bay-ao, Segundo Milong, Jomar Benag, Esmelito Oribawan at Moddie Mansimuy-at. Inaresto sila […]
Muling pinatampok ni Rodrigo Duterte ang kanyang tiranikong pagharap sa pandemya nang arbitraryo niyang iutos noong Mayo 5 na arestuhin ang sinumang hindi nakasuot o mali ang pagsuot ng face mask. Ito ang kanyang naging tugon sa noo’y tumataas na bilang ng mga kaso ng nahawa sa Covid-19. Nagkumahog ang mga ahensya ng gubyerno na […]
Masiglang ipinagdiwang ng masang magsasaka at ng hukbong bayan sa Northern Samar ang ika-48 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong Abril, sa gitna ng kalahating taong nakapokus na operasyong militar ng kaaway. Dumalo sa selebrasyon ang mga residente mula sa anim na baryo na nagkaisang higit pang labanan ang militarisasyon sa […]
Ginunita ng mga nars sa pangunguna ng Filipino Nurses United (FNU) ang Pandaigdigang Araw ng mga Nars noong Mayo 12 sa pamamagitan ng pagsuot ng pulang face mask at pagbitbit ng mga panawagan para sa makatwirang dagdag sweldo at kaligtasan sa trabaho. Mula pa noong nakaraang taon, panawagan na ng mga nars at ng mga […]