DOWNLOADBandang alas-6 ng gabi ng Mayo 21 ay nagkaroon muli ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng 72nd Division Reconnaisance Company at ng New People’s Army (NPA) sa Baranngay Salay, Dipaculao, Aurora kung saan may dalawnag nasugatan sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at wala namang kaswalti sa panig ng NPA. Sa […]
DOWNLOADTropa ng 91st at 72nd DRC ng Philippine Army, SAF at kapulisan ang nanunundo sa mga residente ng Toytoyan, Diamanen, Dimabuno, Sapang Kawayan, Banaoang, Cadayakan, Bayanihan, Puangi para lisanin ang kanilang mga tahanan tungo sa mga evacuation. Hanggang sa kasalukuyan ay mahigit 300 pamilya o hindi bababa sa isang libong indibidwal ang nasa Dipaculao Sports […]
Mariing kinukundena ng NPA-Aurora sa ilalim ng Josepino Corpuz Command-Gitnang Luzon ang walang patumanggang pagpapaputok ng tropa ng 7th DRC sa mga sibilyang inabutan ng engkwentro sa Barangay Toytoyan, Dipaculao, Aurora na nagdulot ng ilang kaswalti sa mga sibilyan sa lugar. Sa katunayan, isang kabataang estudyante sa baryo ang natamaan at namatay. Kaninang alas-7 ng […]
Habang tila sirang-plakang paulit-ulit na inihahayag ng AFP na pupulbusin nila ang NPA sa katapusan ng Marso, paulit-ulit din silang napapahiya sa bawat enkwentro. Wala ni isang nasugatan sa hanay ng NPA sa naganap na engkwentro sa Barangay Galintuja, Aurora noong Marso 22, 2024. Sa takot na mapahiya, minanipula ang balita at social media. Walang […]
Serye ng Focused Military Operations (FMO) ang inilunsad ng 7th ID sa hilagang bahagi ng Zambales Mountain Range sa buong taon ng 2023. Tuloy-tuloy at papaigting na kampanyang militar ng AFP ang kinakaharap ng mamamayan ng Zambales, Tarlac at Western Pangasinan. Nagmistulang war zone ang mga baryo. Dinaig pa ang panahon ng Martial Law noong […]
Pandemic na naman ba? Bawal lumabas. Bawal pumunta sa bukid. Bawal magbaon ng bigas sa kubo. Mas malala pa sa pandemic ang ginagawa ngayon ng AFP sa bayan ng Laur, Nueva Ecija. Ginagalugad ng mga sundalo ang gubat. Hahanapin daw nila ang mga terorista. Sino kaya ang tunay na terorista? Sino ba ang nanunutok ng […]
Oktubre 8, 2023. Bandang alas 4:30 ng hapon ay nakasagutpa ng pwersa ng NPA ang pwersa ng militar sa Brgy San Fernando Sur, sa bayan ng Laur, Nueva Ecija. Apat na sundalo Ang patay at maraming iba pa ang sugatan. Gayunman, isa lamang ang inakawnt na patay ng 7th Infantry Kaugnay Division ng AFP na […]
Ipinamalas ng 91st IB ang pagiging mersenaryong Hukbo sa magkasunod na labanan sa probinsya ng Aurora noong Hunyo 3 at Hunyo 9. Naglulubid ng kasinungalingan ang 91st IB para pagtakpan ang paghuhuramentado ng mga tropa nito dahil sa dalawang pagkakataon na na-isnayp sila ng NPA at nagtamo ng mga kaswalti. Sa parehong insidente ay walang […]
Pitong tropa ng 91st IB ang patay sa matagumpay na operasyong isnayp ng Domingo Erlano Command BHB-Aurora sa kabundukan ng Barangay Diteki, San Luis, Aurora noong ika-9 ng Hunyo, 2023 bandang alas-9:15 ng umaga. Noong ika-3 ng Hunyo ay 2 ang patay sa tropa ng 91st IB sa isnayping ng NPA sa kailugan ng Diamuloc, […]
Dalawang tropa ng 91st IB ang agad bumulagta sa isinagawang isnayping ng NPA-Aurora noong ika-3 ng Hunyo, bandang alas-9 ng umaga sa kailugan ng Diamuloc saklaw ng Barangay Punglo, Maria Aurora, Aurora. Sa maagap na pag-uulat ng mga masa na may operasyong kombat ang militar, agad nakapaghanda ang mga kasama. Ang mga masa rin ang […]