Perwisyong lockdown ng AFP sa bayan ng Laur

Pandemic na naman ba? Bawal lumabas. Bawal pumunta sa bukid. Bawal magbaon ng bigas sa kubo. Mas malala pa sa pandemic ang ginagawa ngayon ng AFP sa bayan ng Laur, Nueva Ecija.

Ginagalugad ng mga sundalo ang gubat. Hahanapin daw nila ang mga terorista. Sino kaya ang tunay na terorista? Sino ba ang nanunutok ng baril sa hanay ng masa? Hindi ba’t mga militar ang nambubugbog, nagkukulata, nagbabanta, nananakot sa mga sibilyan? Nasa mga checkpoint, istasyon pulis, kampo ng militar ang tunay na terorista. Ngayo’y nasa baryo at nagkukunwaring tagapagtaguyod ng kapayapaan.

Igiit ang ating kalayaan sa pagkilos. Sama-samang magtungo sa ating mga tumana para sa ating mga tanim. Wag magpadala sa takot sa tunay na teroristang AFP!

Josepino Corpuz Command

Perwisyong lockdown ng AFP sa bayan ng Laur