Hindi kapayapaan kundi pagbubukas sa ibayong pandarambong at kahirapan ang hatid ng pagdedeklara ng NTF-Elcac at 203rd Bde-PNP MIMAROPA na insurgency-free na ang syudad ng Calapan at iba pang bayan sa Oriental Mindoro. Ngayong taon, magkakasunod na idineklara ang Stable Internal Peace and Security (SIPS) status sa mga bayan ng Pola, Gloria, Bansud at Pinamalayan. […]
Kasinungalingan lamang ang ipinapangalandakan ng PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan), NTF-ELCAC at ng pasistang tropa ng AFP na ang itinatayong mga kalsada ay upang paunlarin at lutasin ang kahirapan para diumano sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan na siyang misyon ng PAMANA! Pinatunayan ng aktwal na karanasan ng mamamayan sa Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro na […]
Magarbo at engrande ang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas ngunit hindi matatabunan ng makulay na seremonya ang katotohanang isinisigaw ng nagpupuyos sa galit ng masang Mindoreño—”Hunyo a-12, Huwad na Kalayaan! Sa pag-alingasaw ng pilit ikinukubling kabulukan ng mga payasong burukrata na sumasayaw sa kumpas ng imperyalismong US, nalalantad ang kawalan ng tunay […]
Sa harap ng dumadausdos na kabuhayan ng mamamayan, mabigat na pasanin ng mga estudyante, kanilang mga magulang at mga guro ang balik-eskwela para sa school year (SY) 2026-2027. Habang nakadagan na sa mamamayan ang krisis sa ekonomya, pinababalikat pa sa kanila ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr. ang mga problemang dulot ng pagpapabaya at neoliberal […]
Nawawasak sa hirap ang mga magsasakang Mindoreño sa barat na barat na ₱7 kada kilo na farmgate price ng sibuyas. Nalikha ang sitwasyong ito nang bumaha ang suplay ng sibuyas hatid ng saganang pag-ani habang may importasyon. Sa gitna ng anihan ng sibuyas inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng 4 na libong […]
Walang tigil at tuluy-tuloy na pagpapahirap sa mga mamamayan ng Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro ang pagkakampo at sustenidong operasyon ng militar sa buong saklaw ng barangay. Mula 2018 ay pinatindi ang atake ng 203rd Bde Philippine Army at PNP MIMAROPA na sumalanta sa buhay at kabuhayan ng mga katutubong Hanunuo-Mangyan sa lugar. Mula nang […]
Pabigat sa dati nang hirap na pamumuhay ang hatid ng di-naglulubay at sustenidong operasyong militar ng 203rd Brigade-PNP MIMAROPA sa mamamayan ng Bulalacao at kanugnog barangay sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro. Mula Enero lamang, sinaklaw na ng mapanalasang operasyong militar ang kabuuang 43 sityo sa mga barangay ng San Roque, San Juan, Nasukob, Benli […]
Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, nararapat lamang na kilalanin ang napakalaking papel ng kababaihan sa lipunan at sa rebolusyong Pilipino. Bilang magsasaka, manggagawa, kabataan at estudyante, propesyunal at maliliit na negosyante lumalaki ang papel nila sa produksyon at buhay panlipunan subalit pinapasan ng kababaihan ang higit na pagsasamantala at kaapihan ng kanilang […]
Sa pagpirma ni Ferdinand Marcos Jr. sa Pax Silica—isang panibagong kasunduang inilako ng imperyalismong US para sa mapandambong na mina—lalo nitong isasadlak ang masang Mindoreño sa ibayong kahirapan. Dapat magkaisa ang mga Mindoreño at maghanda para militanteng labanan ang panganib ng pagpapatindi ng pagmimina sa bansa at ipagtanggol ang lupa at likas-yaman ng isla. Inilalako […]
Sa paggunita ng anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA, alalahanin natin ang makasaysayang pagkilos ng mamamayan na nagpatalsik sa pasista at diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Sa kasalukuyan, nakaupo bilang presidente ang kanyang anak na si Ferdinand Marcos Jr—ang commander-in-chief ngunit sa katunayan ay ang commander-in-thief sa Malacañang. Pitong buwan na ang lumipas simula nang pumutok […]