Proyektong kalsada ng PAMANA: Para sa sundalo, sangkap ng pasismo! Hindi para sa mamamayan!
Kasinungalingan lamang ang ipinapangalandakan ng PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan), NTF-ELCAC at ng pasistang tropa ng AFP na ang itinatayong mga kalsada ay upang paunlarin at lutasin ang kahirapan para diumano sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan na siyang misyon ng PAMANA!
Pinatunayan ng aktwal na karanasan ng mamamayan sa Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro na ginawa ang kalsada upang pabilisin ang transportasyon ng mga tauhan, suplay at kagamitan sa kampo ng mga sundalo. Suportang pasilidad din ito sa mga operasyong militar nila. Ginamit na lamang na dahilan ang pangangailangan ng mamamayan pero hindi talaga ito para sa mga tao kundi para sa mga sundalo.
Kailangang ilantad ang pagpapanggap ng PAMANA bilang programang pangkaunlaran upang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Inilunsad noong 2011, pinangungunahan ito ng Department of Social Work and Development (DSWD) at ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) bilang suportang programa sa usapang pangkapayapaan sa panahon ni Benigno “Noynoy” Aquino III. Minantine ang programa sa panahon ni Duterte at hanggang ngayong rehimeng Marcos Jr. Noong Mayo 2025 nilaanan ito ng ₱1.4 bilyon upang saklawin ang 981 barangay sa 7 mayor na erya. Kasama ang Mindoro sa tinukoy na prayoridad na paglulunsaran ng programa.
Sa tinakbo ng mga pangyayari, walang naganap na seryosong usapang pangkapayapaan. Nang umupo si Duterte, nagpanggap pang makakaliwang presidente pero mangyayaring ipatutupad nito ang EO70 (ang JCP-Kapanatagan) at itututok ang talim ng kanyang programang pangkapayapaan sa pagbira sa rebolusyonaryong kilusan patungo sa kapayapaan ng libingan. Sa kabila nito, lalong nagatungan ang pagnanais ng masang magrebolusyon at nakapagpalakas ang rebolusyonaryong kilusan.
Ang rehimeng Marcos Jr na walang seryosong plano sa usapang pangkapayaan sa NDFP, ipinatupad ang kontra-insurhensyang programang National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD). Ang Pamana ay nilagyan ng karatulang pangkapayapaan upang ipamukhang nakuha na ng gobyerno ang isip at kalooban ng mamamayan. Nakapakete ang PAMANA kasabay ng ECLIP (Enhanced Comprehensive Local Integration Program) bilang programa sa paglutas sa kahirapan. Ginawang tagapaghatid nito ang mga yunit pang-MCSP (Modified Community Support Program) ng AFP-PNP sa mga eryang nais nilang pahupain ang lehitimong pagkilos ng mamamayan lalo na kung may mga isyung dinadala laban sa mga proyekto at programa ng gobyerno.
Ipinatutupad ito sa mga eryang tinatakan ng gobyerno na may presensya ang CPP-NPA NDFP. Kaya naman bago lunsaran ng proyekto, kailangan munang isagawa ang mga focused and sustained military operation (FSMO) upang diumano maitaboy muna ang NPA at MCSP-ECLIP para mapasuko ang mga taong natukoy nilang baseng masa ng rebolusyonaryong kilusan. Bilang bahagi ng whole of nation approach, ipapasok ang PAMANA upang ipakita ang tugon ng gobyerno sa kahirapan ng mamamayan. Kaya sa aktwal paisa-isa, hiwa-hiwalay at paimbabaw na proyekto at serbisyo ang ibibigay bilang pangkaunlarang konsepto ng rehimeng US-Marcos Jr na siyang tugon ng rehimen sa kahirapan. Inaasahang pakalmahin nito ang mamamayan at pahupain ang kanilang paglaban sa gobyerno. Sa aktwal ginagamit din itong pambraso at bilang sangkap ng pinatinding militarisasyon at pasismo.
Sa Barangay Panaytayan, pinangangalandakan ng PAMANA na pabibilisin ang transportasyon ng mga kalakal at paghahatid ng serbisyong panlipunan sa mga residente. Sa aktwal, palamuti lamang ito sa likod ng malupit na kondukta ng operasyon ng mga yunit ng 1st IB at iba pang pambanat na yunit ng 203rd Brigade Philippine Army (PA). Hindi kapayapaan ang nararanasan ng mamamayan sa nasabing barangay dahil mas dumagdag, tumitindi at suminsin ang mga operasyong militar magmula nang itayo ang kalsada sa ilalim ng proyektong PAMANA. Naging karaniwan na lamang ang paglabas-pasok ng trak sa mga kampong itinayo sa interyor upang magbantay sa kampo at manligalig sa mga residente.
Binuwisan ng buhay, pasakit, panyuyurak sa dignidad at paglabag sa karapatan ang mga proyektong ito na dapat binibigay ng walang kondisyon. Ang maghatid ng serbisyo at pasilidad sa mamamayan ay tungkulin ng gobyerno at marapat lamang na tamasahin ng mamamayan pero mahal ang hininging kabayaran nito mula sa mamamayan lalo na sa mga taga-Barangay Panaytayan. Rekisito sa mga proyektong ito ang paglilinis ng pangalan ng mga residente na sa esensya ay sapilitang pagsuko. Kasabay nito ang ilang ulit na interogasyon, patawag sa mga pulong, paseminar at iba’t ibang paraan ng pagkontrol sa kilos ng mga tao sa pamayanan.
Kaya ang epekto ay naging pabigat pa ito sa mamamayan at lalo na sa mga Mangyan dahil inagawan na sila ng lupa, ninanakaw at sinisira pa ang kanilang mga pananim dahil sa mapaminsalang konstruksyon ng kalsada at ang pananalasa sa kanilang sistema ng pamumuhay ng presensya ng mga sundalo. Ninanakaw ang kanilang mga alagang hayop, pinagsasamantalahan at inaabuso ang mga kababaihan, at arbitraryong nagpapatupad ng curfew kaya’t nalilimitahan ang araw-araw na buhay at kabuhayan na mamamayan. Hanggang sa kasalukuyan ay walang sapat na kabayarang natatanggap ang may-ari ng lupa at ang nasirang pananim kahit na nagsumite na sila ng pormal na reklamo sa kaukulang opisina at naglatag ng mga larawang ebidensya sa lokal na gobyerno, Ang kalsada na proyektong “pangkaunlaran” sa ilalim ng PAMANA ay bahagi pa rin ng pasismo.
Hindi matutugunan ng pagpapagawa ng kalsada ang matagal nang kahirapan sa Barangay Panaytayan at sa bayan ng Mansalay o maging sa ibang bahagi ng bansa. Hindi malulutas ng iilang proyektong “pangkaunlaran” ang mga ugat ng kahirapan sa Mindoro. Nais ng mga kasapakat ni Marcos Jr na mga malalaking burgesyang kumprador at malalaking panginoong maylupa na manatiling kimi at tahimik ang mga mamamayan ng Barangay Panaytayan at ng ang buong Mindoro upang malaya nilang makamkam ang malalawak na kabundukan at kalupaan para sa pagmimina ng mga dayuhang kumpanya. Ang PAMANA at mga katulad ng programa ay walang patutunguhan kundi ang paglalim ng krisis ng malakolonyal at malapyudal na Pilipinas sa ilalim ng imperyalistang US kasabwat ang papet na Marcos Jr at iba pang burukrata-kapitalista sa gobyerno. Hangga’t hindi seryosong hinaharap ng rehimeng ito ang pampulitikang kalutasan sa armadong tunggalian sa pamamagitan ng usapang pnagkapayapaan, magpapatuloy ang armadong paglaban ng mamamayan.
Panawagan sa mga Mindoreño at sa buong sambayanang Pilipino na iguhit ang kanilang kapalaran at isulong ang rebolusyonaryong paglaban sa balangkas ng pambansa-demokratikong rebolusyong bayan. Sa pamamagitan ng digmang bayan na isinusulong ng NPA, ito ang hahawan ng daan upang makapangibabaw ang interes ng mamamayan. Kasabay nito, kilangang ipundar natin ang gobyernong bayan sa pamamagitan ng pagmumulat, pagpapakilos at pag-oorganisa ng lahat ng demokratikogng uri at sektor at buuin ang pagkakaisa para bigwasan hanggang maibagsak ang nakatayong papet, pasista, pahirap at korap na rehimeng Marcos Jr at Duterte.
Mamamayan ng Panaytayan, magkaisa at labanan ang militarisasyon!
Ilantad at labanan ang mga huwad na mga proyektong pangkaunlaran ng NTF-ELCAC!
Palayasin ang mga militar sa kanayunan!
Digmang-bayan, sagot sa kahirapan!
Sumapi sa NPA!