Isang mainit na pagpupugay ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan sa lahat ng manggagawa sa Pilipinas at buong mundo sa makasaysayan at makabuluhang Araw ng Paggawa. Sa gitna ng papatinding krisis ng imperyalismo, itinatala ng rebolusyonaryong kababaihang Pilipino ang mahigpit na pakikiisa sa kilusang manggagawa at iba pang uring inaapi at pinagsasamantalahan, para […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa kanyang ginintuang anibersaryo noong Abril 24. Tunay na kasingningning ng ginto ang kanyang mga natamong tagumpay nitong nagdaang limang dekada. Pinagpupugayan natin ang mga martir ng rebolusyong Pilipino lalo na sina kasamang Benito […]
Maalab na pagpupugay sa dakilang tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan sa kanilang pagtuntong sa ika-54 na anibersaryo ng pagkakatatag. Kaisa ng rebolusyonaryong kilusang kababaihan ang sambayanan sa paggunita sa makasaysayang okasyong ito. Matayog na ang mga naiguhit na tagumpay ng BHB sa larangan ng digmang bayan. Huwaran ang BHB sa pandaigdigang kilusang gerilya dahil sa […]
Mainit na pagbati ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) para sa lahat ng kababaihan ngayong Marso Otso, Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis! Sa kasalukuyang kalagayan na napakatindi ng pang-ekonomiyang krisis at higit na pinatitindi pa dahil sa walang habas na terorismo at pasismo ng estado, walang ibang susulingan ang kababaihan kundi ang […]
Sa pagratipika kahapon ng Senado sa RCEP (Regional Comprehensive Economic Partnership), lalong isinubo ng Rehimeng Marcos Jr. sa kagutuman at kahirapan ang mamamayang Pilipino, laluna ang mga magsasaka. Sa kabila ng pagtutol ng maraming sektor sa pagpapaloob ng Pilipinas sa RCEP, itinulak ng rehimen ang ratipikasyon upang umano’y makasabay sa mga lumalagong ekonomiya sa Asya […]
Revolutionary women’s organization Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) pays our highest tribute to the life and struggle of a great proletarian teacher and treasured Filipino revolutionary Jose Maria Sison. Ka Joma is an inextinguisable beacon of light that will perpetually shine bright on generations upon generations of patriotic daughters and sons of the people, […]
Ang pagtapak ni USVP Kamala Harris sa bansa ay nagdulot ng samo’t saring kahulugang pampulitika at pang-ekonomiya. Hindi ito ang unang beses na lumapag sa bansa ang isang lider ng imperyalistang Estados Unidos. Ngunit may natatangi sa naunang pagdalaw ng ikalawang pangulo ng Imperyalistang US sa ilalim ng pamumuno ni Marcos Jr. Matatandaang sa pamumuno […]
WALANG KABULUHAN AT WALANG PAKINABANG PARA SA MAMAMAYANG PILIPINO ANG SIM REGISTRATION ACT. Sa gitna ng matinding implasyon at lumalalang krisis pang-ekonomiya sa bansa, minarapat ni Ferdinand Marcos, Jr. na unahin ang pagsasabatas sa R.A. 11934 na malinaw na walang maitutugon sa gutom at karalitaang dinaranas ng sambayanan. Matatandaang sa huling linggo ng Setyembre, pinaspasan […]
Napatunayan sa katatapos na reaksyunaryong eleksyon kung paanong ninakawan ng boto ang mamamayang Pilipino. Ang kanilang boto, na para sa masang anakpawis ay kapangyarihan nila para baguhin ang kinasasadlakang kahirapan. Bukod sa automatic dayaan ng smartmatic , pre-programmed na rin ang buong paghahanda sa eleksyon. Mula sa mga Comelec appointees ni Duterte, sa malaganap na […]
Sa okasyon ng ika-49 na taong anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines, taas-kamaong iginagawad ng mga rebolusyonaryong kababaihan mula sa Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan ang kanyang pagpupugay sa NDFP at sa mga alyadong organisasyong bumubuo nito. Sa okasyong ito rin ay nais bigyang pagpapahalaga at pagpupugay ng MAKIBAKA ang mga nabuwal lalo […]