Sa SONA 2024 ni Marcos Jr., malamang ay babanggitin nito ang kanyang mga “panandang batong” ganansya na nakuha sa mga istratehiko at taktikal na mga pandaigdigang kasunduan para sa pagdepensa ng soberanya ng Pilipinas. Pero sa punto de bista ng mamamayang Pilipino, katumbas nito ay pagkakanulo o pagtatraydor at walang kapantay na krisis. Dagdag na […]
Ngayong Araw ng Paggawa, pinagpupugayan ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) ang lahat ng manggagawang Pilipino sa patuloy na pagsusulong at paglaban para sa nakabubuhay na sahod, laban sa kontraktwalisasyon at pagsiil sa karapatan sa pag-uunyon. Patuloy na nakakaranas ng pagsasamantala at kaapihan ang uring manggagawa sa ilalim ng dalawang taong panunungkulan ni Marcos […]
Isang mainit na rebolusyonaryong pagbati ang ipinababatid ng mga nakalagdang organisasyon sa ika-51 anibersaryo ng Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas! Sa araw ng pagkakatatag ng NDFP, ipinagdiriwang natin ang pinakadalisay na interes ng mamamayan na makamit ang tunay na pambansang paglaya at demokrasya sa pamamagitan ng magiting at buong-lakas na pagsusulong demokratikong rebolusyong bayan tungo […]
Taas-kamaong pagpupugay ang ipinapaabot ng buong kasapian ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa ika-55 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), ang tunay na hukbo ng sambayanang Pilipino! Pinagpupugayan din ng MAKIBAKA ang mga Pulang kumander at mandirigma na nag-alay ng buhay para sa rebolusyonaryong adhikain. Hinding-hindi malilimutan ang buhay na inialay nila para […]
Nagpahayag ng matinding pagkundena ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa pang-aabuso ng mga militar sa kanilang mga asawa at anak na inilantad kamakailan. Kahapon lamang, nagsalita si Gemini Baladad sa isang press conference na siya at ang kanyang mga anak ay dumaan sa pang-aabuso ng kanyang dating asawa, isang retiradong heneral ng Armed […]
Ngayong taon, ipinagdiriwang ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang ika-52 taon ng pagkakatatag nito at patuloy na pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Pinagpupugayan ng MAKIBAKA ang lahat ng kababaihang magpasyang nagsusulong at nagtataguyod ng rebolusyon para tuluyang ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo na siyang ugat […]
Sa ikalawang taon ng pasistang rehimeng Marcos Jr., nagpapatuloy ang rebolusyonaryong paglaban ng kababaihang anakpawis para lumahok sa armado at di-armadong porma ng paglaban sa pag-abante ng pambansa-demokratikong rebolusyong bayan! Ang matinding pang-aapi at pagsasamantalang dinaranas ng kababaihan sa isang lipunang malakolonyal at malapyudal ang nagpapalakas at nagpaparami sa kasapian ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa […]
Talamak ang panlolokong ginagawa ng rehimeng US-Marcos para iusad ang Charter Change na pinakapapabor sa kanila. Iniyabang pa ni Joey Salceda na sapat na umano ng nakamit na bilang ng pirma sa “People’s initiative/PI”. Nalantad din na pakana ni Romualdez at Marcos Jr ang PI sa kabila ng kanilang pagtanggi na sila ang nasa likod […]
Binabati ng MAKIBAKA ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa patuloy na pagsisikap nitong ibalik ang usapang pangkapayapaan, sa batayang makatwiran at sa layuning makamit ng sambayanang Pilipino ang pambansang kasarinlan at kapayapaang nakabatay sa katarungan. Sumusuporta ang rebolusyonaryong kababaihan sa NDFP sa kaniyang pakikipagkakasundo sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayaan, habang kinikilala […]
Pinagpupugayan ng mga rebolusyonaryong kababaihan ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) ang buhay at pakikibika ni Ka Jude Fernandez, dating lider-estudyante at beteranong organisador ng uring manggagawa simula noong panahon ng Batas Militar ni Marcos Sr hanggang sa kasalukuyang nakaupo sa kapangyarihan ang nakababatang Marcos. Siya ay brutal na pinaslang ng mga berdugong elemento […]