Archive of National Democratic Front of the Philippines

Take to heart all revolutionary masterpieces of all artista ng bayan! Achieve the victory the revolution!
September 04, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Bicol |

Art appreciation echoes the class struggle. For the few who lords over this society, art is just for art’s sake. Something for them to regard briefly, enjoy fleetingly and then forget. Something for them to buy, sell, measure their status and power with and put into pedestals.

Isapuso ang mga rebolusyonaryong obra ng mga artista ng bayan! Kamtin ang tagumpay ng rebolusyon!
September 04, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Bicol |

Makauri ang pagtingin sa sining. Para sa iilang naghahari-harian sa lipunang ito, ang sining ay ginagawa para lamang sa kapakanan ng sining. Para lamang saglit na masdan, sandaling ikatuwa, at matapos palipasin na mula sa ulirat. Para bilhin, ibenta, ituring na panukatan ng katanyagan at kapangyarihan, ilagay sa mga pedestal.

Bukas na Liham ng PKM-Bikol para sa ika-40 araw ng pagkakapaslang kina Jemar Palero at Marlon Naperi at para sa lahat ng mga pesanteng naninindigan at lumalaban
September 04, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Bicol |

Maituturing ang uring magsasaka bilang isa sa mga pinakadakilang artista sa kasaysayan. Anong obra maestra nga ba ang hihigit sa pagbuhay sa lipunan? Nagsilbing kanbas ang lupa at sa kanilang mga kalyadong kamay, napakain ang sangkatauhan. Subalit ang magtanim ay hindi biro. Kayo ang nagsaka, nag-ani at nagsaing subalit gahaman nilang sinagpang ang inyong kakanin. […]

Panaigin ang hustisya para sa lahat ng biktima ng terorismo ng di-makatwirang gera ni Duterte!
September 04, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ang malapyudal at malakolonyal na lipunang ito ay buntis sa krisis at walang kapugtuang pang-aapi at pagsasamantala. Ilinuluwal nito ang mga rebolusyonaryo at ang diwang lumaban. Araw-araw, hinaharap ng dinudustang mamamayan ang dalawang pagpipilian – sumuko o lumaban. Araw-araw din nilang pinipili ang paglaban at pagsulong. At kapag ang isa ay itinumba ng bala ng mga berdugo, hindi lang nito pinababangon ang isa, ngunit libu-libong iba pa – upang patuloy na kumilos, lumaban at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.

Let justice prevail for the all victims of Duterte’s unjust war!
September 04, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

The semi-fedual and semi-colonial society is pregnant with crisis and never-ending exploitation and abuse. It gives birth to revolutionaries and the spirit of struggle. Everyday, the oppressed people are faced with the reality that they need to choose between two things – to surrender or to fight. And everyday, they choose to fight and advance. And if one is felled by the fascists’ bullet, it raises not only one, but thousands more to continue to act, struggle and defend their rights.

Parusahan ang mga magnanakaw at mandarambong sa pondo ng bayan!  Ibagsak ang pangunahing korap at mandarambong na si Duterte!
September 03, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Sukdulan na ang pagkagahaman sa salapi at yaman ni Duterte. Hindi pa siya nasapatan sa kanyang mga nakukurakot na limpak-limpak na salapi sa pondo ng bayan at mula sa suhol at kikbak sa mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng kanyang Build,build,build projects. Ang bilyun-bilyong pondong nakalaan naman sa paglaban sa pandemyang Covid-19 ang pinuntirya ng […]

Jaymar at Marlon, huwarang artista ng Bayan
September 03, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Albay |

Ngayong Setyembre 3 ang ika-40 araw ng pagkamatay ng Guinobatan 2, sina Jaymar Palero at Marlon Naperi, mga aktibistang karumal-dumal na pinaslang ng PNP Albay habang nasa proseso ng kanilang pagtupad sa kanilang karapatan sa malayang pamamahayag. Mailap ang hustisya para sa dalawa. Malinaw ang inilabas na resulta ng autopsy report para sa Guinobatan 2, […]

Laban ng mga manggagawang pangkalusugan, laban ng buong mamamayan!
September 02, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Nakikiisa at taas kamaong sumusuporta ang Revolutionary Council of Trade Union (RCTU-NDF-ST) sa mga manggagawang pangkalusugan sa mga pribado at pampublikong pagamutan sa punong lunsod at iba pang panig ng bansa sa kanilang isinasagawang serye ng mga pagkilos.

Sugpuin ang bayrus na si Duterte! Makiisa sa laban ng mga manggagawang pangkalusugan
September 01, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa kilos-protesta ng mga manggagawang pangkalusugan ngayong Setyembre 1 para ipanawagan ang kanilang karapatan sa karampatang benepisyo at sapat na proteksyon sa kasagsagan ng pagkalat ng nakamamatay na Covid-19. Makatarungan ang iginigiit ng mga manggagawang pangkalusugan para sa kanilang Covid-19 Special Risk Allowance (SRA), hazard pay at benepisyo sa pagkain, akomodasyon at […]

Pagpugayan ang mga bayani at martir ng Dolores
August 30, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Ilocos | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Ilocos | Julian Sadiri | Spokesperson |

Habang inaalala ng mamamayang Pilipino ngayong Araw ng mga Bayani ang mga naunang mga bayani ng sambayanang Pilipino na nakibaka at nagbuwis ng buhay laban sa kolonyalismo ng Espana at ng US, sabay din nating dinadakila at pinagpupugayan ang mga bayani at martir na Pulang hukbo ng Dolores, Eastern Samar. Ilagay natin sa pinakamataas na […]