Tinotoo ng AFP ang matagal na nilang pagbabanta na bobombahin ang Arimit matapos itong maghulog ng apat na bomba, magpaulan ng rockets at walang-habas na nagmasinggan sa mga upland farm ng Arimit at Erya gamit ang attack helicopters na Sikorsky S70i Black Hawk at Agusta Westland 1129 ATAK. Sukdulang kinukondena ng National Democratic Front – […]
Tahasang pagyurak sa soberanya ng Pilipinas at pagsasapanganib sa buhay ng mga mamamayan ng Lambak ng Cagayan ang planong pagtatayo ng base at mga instalasyong militar ng US sa rehiyon. Ayon sa balita, isa sa mga linaman ng pag-uusap ni Marcos Jr at Kamala Harris, bise presidente ng US, ang pagdadagdag diumano ng limang base […]
In light of the impending transformation of existing Philippine military bases in Cagayan into US stations, there is no other path to take for the Cagayano people but to fight and staunchly defend our sovereign rights against the trampling of imperialist US. Under the implementation of the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) signed during the […]
Isa sa mga bayan na nasa baybaying bahagi ng Isabela ang Divilacan. Nakasandal ito sa mga bundok ng Sierra Madre at nakatanaw sa Dagat Pasipiko. Mayaman ito hindi lamang sa mga hilaw na materyales at lamang dagat bagkus ay nabiyayaan din ito ng magagandang tanawin. “World class” ang ganda ng puting buhangin na gumuguhit sa […]
Sinasaluduhan ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) sa Lambak ng Cagayan ang buong sektor sa agrikultura hindi lamang sa Buwan ng mga Pesante kundi sa araw-araw nitong pagtitiyak na may pagkain sa mesa ang bawat pamilyang Pilipino. Pinagpupugayan din ng PKM ang mga magsasakang bayani at martir na buong pusong nag-alay ng kanilang buhay […]
Sa simula’t sapul, malinaw na sa taumbayan na walang ibang aasahan sa ikalawang rehimeng US-Marcos kung hindi lubos pang pagsahol at pagdausdos ng kalagayang pang-ekonomiya at pampulitika sa ating bansa. Agad naman itong pinatunayan ni Pangulong Bongbong Marcos sa unang mahigit isandaang araw ng kanyang ilehitimong rehimen. Neoliberal na patakaran sa ekonomiya Pagkaupong-pagkaupo pa lamang […]
Mariing kinukondena ng National Democratic Front – Cagayan Valley ang muling pabubukas at paglulunsad ng US-PH Joint/Combined Balikatan Exercises sa lalawigan ng Cagayan at sa iba pang bahagi ng bansa na tahasang manipestasyon ng kawalan ng tunay na soberanya. Pitong (7) buwan pa lamang ang nakakaraan nang idinaos ang Balikatan 22, ang pinakamalaking pagsasanay-militar sa […]
Adayo nga amang ti naala a botos ni incumbent Mayor Joan Dunuan kumpara iti dua a kalaban na iti kinamayor kadaytoy 2022 National and Local Elections. Dakdakkel ti 5,000 a botos ti naala ni mayor-elect Leonardo Pattung ken nasurok 1,000 ti nangabakan ni incumbent Board Member Cris Barcena kumpara iti 9,461 a botos ni Dunuan. […]
Nangangatog sa takot sina Major Gen. Laurence Mina at Brigadier Gen. Steve Crespillo na masiwalat ang katotohanang pitong sibilyan ang nasawi matapos walang-patumanggang bombahin ng 5th Infantry Division Philippine Army at Philippine Air Force ang kabundukang bahagi ng Sityo Bagsang, Sta. Clara, Gonzaga noong Enero 29. Bigo ang 5IDPA sa pakanang palitawing fake news ang […]
Pinakamahabang ilog sa buong Pilipinas, hindi maitatangging napakayaman ng Ilog Cagayan sa likas na rekurso partikular ang mga may komersyal na halaga tulad ng buhangin, graba, ginto, at magnetite o black sand. Sa bahaging saklaw ng Cagayan, matatagpuan ang 986,067 kubiko-metro ng buhangin at graba sa lawak na 107 ektarya, at 420 metriko-tonelada ng ginto […]