Archive of NDF-Mindoro

Pagbaha sa Pinamalayan at Pola, perwisyo sa Mamamayan!
July 03, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Oriental Mindoro |

Nakikiisa ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA-Oriental Mindoro) sa panawagan ng mga residente ng Pinamalayan at Pola na magpatupad ng pangmatagalang solusyon sa lumalalang problema ng pagbaha sa kanilang mga komunidad. Muling nakaranas ng pagdurusa ang mga mamamayan sa Pinamalayan at Pola dahil sa pagbaha na dulot ng nakaraang bagyong Henry. Sa maikling oras […]

Deklarasyong SIPS ng NTF-Elcac-AFP-PNP-MIMAROPA banta sa kabuhayan at kagalingan ng mga Mindoreño!
July 03, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Hindi kapayapaan kundi pagbubukas sa ibayong pandarambong at kahirapan ang hatid ng pagdedeklara ng NTF-Elcac at 203rd Bde-PNP MIMAROPA na insurgency-free na ang syudad ng Calapan at iba pang bayan sa Oriental Mindoro. Ngayong taon, magkakasunod na idineklara ang Stable Internal Peace and Security (SIPS) status sa mga bayan ng Pola, Gloria, Bansud at Pinamalayan. […]

Proyektong kalsada ng PAMANA: Para sa sundalo, sangkap ng pasismo! Hindi para sa mamamayan!
June 28, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Kasinungalingan lamang ang ipinapangalandakan ng PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan), NTF-ELCAC at ng pasistang tropa ng AFP na ang itinatayong mga kalsada ay upang paunlarin at lutasin ang kahirapan para diumano sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan na siyang misyon ng PAMANA! Pinatunayan ng aktwal na karanasan ng mamamayan sa Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro na […]

Magsasakang Mindoreño, magkaisa at tutulan ang malawakang militarisasyon sa Timog-Silangang Mindoro!
June 25, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Oriental Mindoro |

Sobra na, tigilan nyo na kami! Ito ang kahilingan ng kasapian ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Oriental Mindoro sa mas masinsin at malawakang operasyong militar lalo na sa timog ng Oriental Mindoro. Kaisa kami sa daing ng mamamayang Mindoreño na itigil na ang tumitinding operasyong militar sa Timog Silangang Mindoro. Panliligalig ito sa mga komunidad […]

Pagbabalik ng 4th IB sa Mindoro, kalbaryo sa mga Mindoreño, inhustisya sa kababaihan ng Mindoro
June 23, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Oriental Mindoro |

Nagpupuyos ang damdamin ng kababaihang Mindoreño sa pagbabalik ng mga sundalong 4th IB sa Mindoro. Ang kanilang pagbabalik na buong pagmamalaking inianunsyo ng paghahatid serbisyong pagtatayo ng iskwelahan sa Barangay Sta. Maria, Mansalay, Oriental Mindoro ay isang gimik na propaganda na naglalayong pagtakpan ang kanilang pang-aabuso at krimen sa mamamayan ng Mindoro. Para sa mga […]

Walang Kalayaan sa Pilipinas Hangga't Naghahari ang Imperyalismong US at Mga Tuta nitong Burukrata Kapitalista
June 14, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Magarbo at engrande ang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas ngunit hindi matatabunan ng makulay na seremonya ang katotohanang isinisigaw ng nagpupuyos sa galit ng masang Mindoreño—”Hunyo a-12, Huwad na Kalayaan! Sa pag-alingasaw ng pilit ikinukubling kabulukan ng mga payasong burukrata na sumasayaw sa kumpas ng imperyalismong US, nalalantad ang kawalan ng tunay […]

Balik-Eskwela 2026 mukha ng krisis sa edukasyon dahil sa kapabayaan at kainutilan ng rehimeng US-Marcos II
June 13, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sa harap ng dumadausdos na kabuhayan ng mamamayan, mabigat na pasanin ng mga estudyante, kanilang mga magulang at mga guro ang balik-eskwela para sa school year (SY) 2026-2027. Habang nakadagan na sa mamamayan ang krisis sa ekonomya, pinababalikat pa sa kanila ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr. ang mga problemang dulot ng pagpapabaya at neoliberal […]

Panagutin ang rehimeng Marcos Jr sa pagwasak sa kabuhayan ng magsisibuyas ng Mindoro!
June 02, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Nawawasak sa hirap ang mga magsasakang Mindoreño sa barat na barat na ₱7 kada kilo na farmgate price ng sibuyas. Nalikha ang sitwasyong ito nang bumaha ang suplay ng sibuyas hatid ng saganang pag-ani habang may importasyon. Sa gitna ng anihan ng sibuyas inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng 4 na libong […]

Pagbati ng Armas-Mindoro sa araw ng mga ina
May 14, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Mindoro |
Mabuhay ang Pulang alamat ng Kabuhiran!
May 10, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Mindoro |