Kinukundena ng NDFP-Mindoro ang pagdukot ng pasistang 203rd Brigade kay G. Elyong, residente ng Sitio Sinariri, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro, umaga ng Pebrero 6. Dapat ilitaw si G. Elyong at ibalik sa kanyang pamilya’t komunidad na labis nang nag-aalala sa kanya. Sa ulat na nakalap ng NDFP-Mindoro, dinukot si G. Elyong sa kanilang sityo […]
Nagpupugay ang NDFP-Mindoro kay Kasamang Jose Maria Sison o Ka Joma, tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas – Marxismo-Leninismo-Maoismo (PKP-MLM) at Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Habambuhay na mananatili sa puso ng mamamayang Mindoreño ang buhay at pakikibaka ni Ka Joma at ang kanyang malaking ambag sa rebolusyong […]
Kaisa ang NDFP-Mindoro sa paggunita sa ika-74 na taon ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao o International Human Rights Day. Dapat gunitain ng mamamayang Mindoreño ang araw na ito nang may determinasyon na puspusang itaguyod ang laban para sa karapatan sa lupa, kabuhayan, kalayaan at katarungan sa harap ng pinag-ibayo pang pag-atake sa mamamayan ng […]
Kinokondena ng NDFP – Mindoro ang lansakang pagyurak sa karapatang pantao na isinagawa ng pasistang 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa inilunsad nitong Focused Military Operation (FMO) at Retooled Community Support Operation (RCSPO) sa bayan ng Rizal at Calintaan, Occidental Mindoro nitong buwan ng Nobyembre. Dapat panagutin ang pasistang armadong pwersa sa kanilang mga kaso ng paglabag sa […]
Binabati ng NDF–Mindoro ang Kabataang Makabayan (KM) sa ika-58 anibersaryo ng pagkakatatag nito! Pinatunayan ng mahabang kasaysayan ng KM ang kahalagahan ng kabataan sa pagsusulong ng rebolusyon at pagtatransporma sa lipunan. Kinakailangang mahigpit na hawakan ng mga kabataan ang adhikain ng KM, lalo na ngayong nasa rurok ang krisis ng malakolonyal at malapyudal na sistema. […]
Kaisa ng mga Mindoreño, mariing kinukundena ng NDF-Mindoro ang pag-aamyenda ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa 25-taong moratorium sa mina. Ang moratorium na ito ay kongkretong tagumpay ng mamamayang Mindoreño mula sa kanilang dekadang pakikihamok upang protektahan ang isla mula sa panghihimasok ng mapangwasak na dayuhang mina. Dapat maging mapagbantay ang mga Mindoreño at […]
Iligal na dinakip at pinalalabas na NPA surrenderee si Raffy “Pingping” Bago, isang kabataang Mangyan, ng pinagkumbinang pwersa ng AFP at PNP sa Brgy. Bonbon, Mansalay, Oriental Mindoro. Papunta sa koprasan noong umaga ng Nobyembre 9 si Pingping, 19 taong gulang at isang kabataang estudyante, nang makasalubong niya ang nag-ooperasyong pwersa ng AFP-PNP MIMAROPA. Dito […]
Kinukondena ng NDFP-Mindoro ang isinasagawang istraping, panggigipit sa kabuhayan, at iba pang paglabag sa karapatang tao ng 68th IBPA sa Brgy Limlim, Pitogo, at Aguas sa bayan ng Rizal, Brgy. Manoot sa bayan ng San Jose, at Brgy Tanyag sa bayan ng Calintaan, probinsya ng Occidental Mindoro. Isang pakana at disimpormasyon ang pinahayag ng 68th […]
Ngayong buwan ng Oktubre, kaisa ang NDFP-Mindoro sa paggunita ng Buwan ng mga Magsasaka. Pinagpupugayan ng rebolusyonaryong kilusan ang uring magsasaka na lumilikha ng pagkain para sa buong sambayanan at pangunahing pwersa ng rebolusyong Pilipino. Sa Mindoro, mayorya o 90% ng mamamayan ay uring magsasaka. Katunayan, isa ang isla ng Mindoro sa malalaking prodyuser ng […]
Dapat singilin ang ilehitimong rehimeng US-Marcos II at ang utusang aso nitong 203rd Brigade – Armed Forces of the Philippines (203rd Bde) sa kaso ng panganganyon sa Mansalay, Oriental Mindoro nitong Martes, Oktubre 18. Ayon sa ulat ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC – NPA – Mindoro), tatlong beses nagpasabog ng […]