Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang nakatakdang pagtatayo ng base militar sa isla ng Balabac, isa sa apat na bagong base militar ng imperyalismong US sa pinalawak na kasunduan sa depensa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Inianunsyo kahapon ni Carlito Galvez Jr, kalihim ng Department of National Defense (DND) ang […]
Hinahamon ng Bienvenido Vallever Command (BCV) – NPA Palawan ang mga bagong sundalong nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ngayong taon na buong pusong maglingkod sa sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan. Upang maisakatuparan ito, nararapat munang talikuran ang pasistang punong-kumander ng AFP at presidente ng reaksyunaryong gobyerno na si Ferdinand Marcos Jr. at matapang na labanan […]
Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang pagpaslang ng berdugong 1001st Bde at hepe nitong si Jesus Durante III sa modelong si Yvonne Chua-Plaza. Ang pagpaslang sa kanya ay bahagi ng maruming gera ng sabwatang Marcos-Duterte laban sa mamamayan at lahat ng kritiko nito at hindi isang simpleng crime of passion na gustong palabasin […]
Kasama ng buong hanay ng rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Palawan, mahigpit na nakikiisa at taas-kamaong nagpupugay ang BVC-NPA Palawan at NDF-Palawan sa maningning na ika-54 anibersaryo ng pagkakatatag ng ating pinakamamahal na Communist Party of the Philippines (CPP). Mahusay nitong pinamunuan sa teoryang gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang buong sambayanang nakikibaka sa pagsusulong ng demokratikong […]
Hangga’t nananatili ang WESCOM at ang base militar ng US sa lalawigan, hindi natatapos ang pasismo-terorismong inihahasik nila sa Palawan. Ito ang tugon ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa pinakahuling kasinungalingang ibinulalas ng AFP Western Command (WESCOM) at Palawan PTF-ELCAC na terrorist-free na umano ang lalawigan matapos umano nilang manyutralisa ang signipikanteng bilang ng CPP-NPA-NDFP. […]
Sa ika-58 taong anibersaryo ng pagtatatag ng Kabataang Makabayan ngayong Nobyembre 30, nananawagan ang Bienvenido Vallever Command (BVC)-NPA Palawan sa lahat ng kabataang Pilipino na ipagpatuloy at tupdin ang kanilang istorikong papel sa pambansa demokratikong rebolusyon at sumampa sa New People’s Army. Nahaharap ngayon ang kabataan sa buong daigdig sa matinding kahirapan, kapabayaan at brutal […]
Kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang kasalukuyang inilulunsad na pagsasanay-militar sa pagitan ng tropang US at Pilipinas sa ilalim ng Balance Piston 22-3 Exercise sa Honda Bay, Puerto Princesa City at sa Punta Baja, bayan ng Rizal sa Palawan. Sinimulan ang nasabing pagsasanay noong Agosto 16 na tatagal ng isang buwan hanggang Setyembre 16. […]
Mariing tinutuligsa ng Bienvenido Vallever Command (BVC)-BHB Palawan ang tahasang pagpapagamit ni Justine Kate Raca sa Western Command (WESCOM) at Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa paghahasik ng mga kasinungalingan at panlilinlang sa mamamayan. Itinatakwil ng BVC si Raca, na nakilala ng mamamayang Palaweño bilang Ka Celin/Mira, at dating Pulang […]
Hindi magtatagumpay at tinitiyak ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan na mabibigo ang atas ni AFP Chief Andres Centino sa Western Command na durugin ang kilusang rebolusyonaryo sa isla bago magtapos ang termino ni Duterte. Buong pagmamalaking iniutos ito ng pasistang pinuno sa pananalita sa ika-46 taong anibersaryo ng WESCOM noong Marso 4 kung saan tinukoy […]
Mariing kinukondena ng Bienvenido Vallever Command (BVC-NPA Palawan) at ng mamamayang Palaweño ang pag-aalis ng rehimeng Duterte sa mga restriksyon sa pagmimina sa bansa at sinusuportahan nito ang pakikibaka ng mamamayang Palaweño laban sa mga mapaminsalang mina at iba pang proyekto ng rehimeng Duterte na anti-mamamayan at makadayuhan. Hindi pa nasapatan sa pagsusubasta ng karagatan […]