Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

De facto Martial Law ng ilehitimong rehimeng Marcos II, tutulan at labanan!
September 12, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Muling nananariwa ang mga sugat ng mamamayang nagdusa sa Martial Law sa kasalukuyang pakana ng ilehitimong rehimeng Marcos II na magpasa ng mga pasistang batas na magsusuhay sa tiranya ng naghaharing pangkatin at kikitil sa natitirang katiting na demokratikong ispasyo. Iilang buwan pa lamang si Marcos Jr. sa poder, isinusulong na ng sunud-sunurang Kongreso ang […]

Suportahan ang panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan, ipaglaban ang pangmatagalan at makatarungang kapayapaan!
September 05, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Positibo ang mga pagsisikap ni Senador Loren Legarda at mga makabayan at progresibong kongresista sa Kamara na muling buksan ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Kapuri-puri ang pagsuporta rito ng mga taong simbahan, makataong institusyon at mamamayan sa gitna ng pakana ng mga alipores ng ilehitimong rehimeng Marcos II na pigilan ito. […]

Hustisya para sa lahat ng desaparecidos! Hustisya para sa lahat ng biktima ng diktadurang Marcos!
August 31, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Halos limang dekada na ang lumipas mula nang ipataw ni Ferdinand Marcos Sr. ang Martial Law sa buong bansa subalit hanggang ngayon, wala pa ring hustisya ang mga biktima ng sapilitang pagkawala sa panahong iyon at sa mga sumunod pang rehimen. Masahol pa, tila pinagdurugo ang sugat ng mga mahal sa buhay ng mga desaparecidos […]

Mandatory ROTC, tutulan at labanan
August 16, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Hindi dapat isalaksak at pilit na ipalunok sa mga kabataang Pilipino ang sapilitang pagpapatupad ng Reserve Officer Training Corps o ROTC pagsapit ng senior highschool. Dapat na tutulan at labanan ng mamamayang Pilipino laluna ng laksang kabataan ang panunumbalik ng ROTC batay sa plano ng pasistang tambalang Marcos II at Sara Duterte. Isa ito sa […]

Kriminal at berdugong 59th IBPA, panagutin!
July 29, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayan na patuloy na ilantad at usigin ang 59th IBPA na siyang may pananagutan sa pagkamatay ng dalawang sibilyan sa Batangas nitong nakaraang linggo. Magkasunod na nasawi sa kamay ng 59th IB sina Kyllene Casao, siyam na taong gulang na batang babae noong Hulyo 18 at si Ginoong Maximino Digno, 50-taong […]

Salubungin ng protesta ang ilehitimong rehimen ng tambalang Marcos-Duterte II
July 27, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa malawak na sambayanang Pilipino na gawing okasyon ang unang state of the nation address (SONA) ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para imarka ang mariing pagtatakwil ng bayan sa ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte II. Ninakaw ng tambalang ito ang eleksyon noong Mayo 2022 upang iluklok sa kapangyarihan ang kinatawan ng dalawang pinakakorap at […]

Patuloy na igiit at ipaglaban ang pambansang soberanya sa WPS sa ilalim ng rehimeng Marcos II!
July 16, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa malawak na sambayanang Pilipino na patuloy na igiit at ipaglaban ang soberanong karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Walang maaasahan ang mamamayan sa kasalukuyang tuta at taksil na rehimeng US-Marcos II. Tulad ng kanyang ama at sinundang rehimeng Duterte, asahang ibebenta rin ni Marcos Jr. ang soberanya ng bansa sa […]

Kaligtasan sa paggawa, ipaglaban! Papanagutin ang kapitalista at estado sa labis na kapabayaan sa uring manggagawa!
July 16, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Serye ng mga aksidente na ang nagaganap sa mga pagawaan sa Pilipinas dahil sa kapabayaan ng mga kapitalista at reaksyunaryong gubyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa. Noong Hulyo 12 lamang, anim na manggagawa ang namatay habang dalawa ang sugatan sa isang aksidente sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City, Cavite. Bunsod ng malakas na […]

Papanagutin si Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng kanyang krimen at pagtataksil sa bayan!
July 06, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Paniningil at pagsasakdal ang pabaon ng mamamayan ng TK sa tiraniko, korap, berdugo at traydor na si Rodrigo Roa Duterte sa pagtatapos ng kanyang termino. Taliwas sa ipinapangalandakan ng GRP na iiwanan ni Duterte ang mahusay na pamana sa Pilipinas, hinusgahan na ng mga magsasaka, manggagawa, katutubo, kababaihan, kabataan at lahat ng inaaping mamamayan ang […]

Balikan ang kasaysayan, papag-alabin ang paglaban sa bagong Marcos sa Malakanyang
July 06, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Itinatakwil ng malawak na sambayanang Pilipino si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak ng yumaong diktador at ngayo’y uupo bilang ika-17 presidente ng reaksyunaryong republika ng Pilipinas. Gamit ang garapalang pandaraya sa nagdaang eleksyon, naluklok si Bongbong sa kabila ng malalim na galit ng buong bayan sa kanyang pamilya. Sinasalamin nito ang rurok ng pagkabulok at […]