“Hindi kailanman namamatay ang mga rebolusyonaryo, nananatili silang buhay sa pamamagitan ng kanilang mga rebolusyonaryong tagapagmana. Itransporma natin ang ating pagluluksa sa rebolusyonaryong katapangan.” – Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng PKP Nakikiisa ang Communist Party of the Philippines sa Southern Tagalog (CPP-ST) sa pagpupugay at pagdakila sa mahal na mga kasamang nabuwal sa isla […]
Nag-iibayo ang diskuntento at disgusto ng mamamayang Pilipino sa rehimeng US-Marcos II at sa buong sistemang malakolonyal at malapyudal dahil sa pagsahol ng sosyo-ekonomikong krisis, garapalang korapsyon at umaalingasaw na bulok na pulitika. Ito ang malinaw na hindi mailingid na resulta ng mga sarbey ng mga burgis na institusyon na inilabas nitong Agosto. Hindi maitago […]
Nararapat tuligsain ang pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi maituturing na hirap sa pagkain (food poor) ang sinumang Pilipinong gumagastos kada araw ng ₱64 kada tao para sa pagkain. Ang pahayag na ito’y iresponsable, insensitibo, di siyentipiko at higit sa lahat, kontra-mamamayan. Walang naniniwala sa pahayag na ito na malinaw na naglalayon […]
Pinakamataas na pagpupugay at parangal ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Katagalugan kay Baby Jane “Ka Binhi/Amlay” Orbe, artista ng bayan at huwarang kababaihan, batang Kadre ng PKP at pinuno ng Hukbong bayan sa Kanlurang Batangas. Namartir siya habang magiting na lumalaban sa pasistang militar noong Disyembre 17, 2023 sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas. […]
Lubos na nakikiisa at sumusuporta ang Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Katagalugan (PKP-TK) sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan sa India laban sa pang-aapi, pagsasamantala at panunupil sa kanilang lehitimong pakikibaka ng pasista-teroristang gubyernong Modi. Magkahalintulad ang nararanasan ng mga mamamayan sa India at mamamayan ng Pilipinas. Nararapat ang malawak at matatag na pakikipagkaisa sa kanila sa […]
Higit na kinakailangang pag-ibayuhin ng sambayanang Pilipino ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan, soberanya at demokrasya sa harap ng tumitinding panghihimasok militar ng imperyalistang US sa bansa. Sa paggunita ngayong Hunyo 12 sa ika-126 na araw ng “kalayaan”, nararapat na muling pagtibayin ng mga makabayan, progresibo at demokratikong pwersa ang panata na kamtin ang […]
Nagpupugay ang Partido Komunista ng Pilipinas – Timog Katagalugan (PKP-TK) sa lahat ng manggagawa at iba pang mamamayan sa rehiyon at sa buong bansa na lumahok sa matagumpay na kilos-protesta para gunitain ang Ika-122 Pandaigdigang Araw ng Paggawa nitong Mayo 1. Sa TK, libong manggagawa ang nagtipon mula sa kani-kanilang pook-paggawa para ipakita ang kanilang […]
Pinakamataas at Pulang pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan kay Junalice “Ka Arya” Arante-Isita, 37, kagawad ng Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas, isang dakilang kasama at pinuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Batangas. Kasabay nito, ipinapaabot namin ang pakikiramay at pakikidalamhati sa kanyang naulilang mga anak, kapatid at magulang. […]
Ramdam na ramdam ng mamamayan sa Timog Katagalugan, laluna ng mga magsasaka at mangingisda ang malubhang epekto ng El Nino. Sa kabila ng kanilang pagdurusa bingi at manhid ang rehimeng US-Marcos II na sagipin sila sa kanilang pagdurusa, sa halip ay papatsi-patseng solusyon at kakarampot na ayuda ang ibinibigay nito. Sa likod nito malayang nakakapang-api […]
Ngayong Pebrero 25, makalipas ang 38 taon, ginugunita natin ang Pag-aalsang EDSA sa gitna ng imbing pakana ng rehimeng US-Marcos II na ibaon at labusawin ang diwa ng anti-diktadura at demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino na nagpatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa Malacañang noong 1986. Sa harap nito, lumalakas naman ang militanteng […]