Kampo-militar sa Quezon, pinalayas na naman!

Muling pinalayas ng mamamayan ng Quezon ang mga mangangampong sundalo sa Brgy. Lavides, General Luna noong ikalawang linggo ng Agosto.

Sa nakuhang ulat, hindi pumayag ang may-ari ng lupa sa naturang lugar dahil sa mga mapuputol na mga punong niyog.

Nauna nang napabalita ang iba pang pagpapalayas sa mga kampo-militar sa buong lalawigan. Ito na ang ika-6 na beses ng pagtatakwil ng mga Quezonin sa mga militar sa lalawigan.#

Kampo-militar sa Quezon, pinalayas na naman!