Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Kundenahin ang labis na pagtatambak ng pwersang militar sa Sta. Maria, Laguna
September 28, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Laguna (Cesar Batralo Command) | Magdalena Kalayaan | Spokesperson |

Kinukundena ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang labis-labis na pagtatambak ng pwersa ng 1st IBPA at pagpapasok ng mga tangke de gera nito sa Sta. Maria, Laguna. Kalabisan ang pagpapakitang-lakas na ito na nakatabing sa diumanong layunin ng AFP na magmantini ng seguridad sa panahon ng Barangay-SK Elections. Sunod-sunod ang pagpapapasok ng AFP ng tropang militar […]

Berdugong 80th IBPA, binigwasan ng yunit ng Apolonio Mendoza Command!
September 27, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Binigwasan ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon, ang tropa ng 80th IBPA sa Sityo Mararaot, Barangay Lumutan, General Nakar, Quezon, kaninang alas-10 ng umaga. Isa ang kumpirmadong napatay at dalawa ang nasugatan sa reaksyunaryong tropa, habang ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma. Labing isang araw na nag-ooperasyon ang pasistang tropa na ito sa baryo na […]

Pagpupugay sa punitibong aksyon ng NPA Mindoro sa quarry operation sa Bongabong!
September 25, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) |

Nagdiriwang ang mamamayan ng Mindoro sa matagumpay na punitibong aksyon ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro laban sa quarrying contractor na Paolo Construction, pagmamay-ari ni Bongabong Mayor Elgin Malaluan, noong Setyembre 20, bandang 3:30 ng hapon. Sinira ng mga Pulang mandirigma ang isang bulldozer. Ipinaliwanag din nila sa ilang manggagawa ang mapaminsalang epekto ng quarrying […]

Tutulan, huwag pahintulutan ang dagdag na base militar ng US! Imperyalismong US at China, layas!
September 22, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Napakatigas ng mukha ng imperyalismong US na maghangad ng dagdag pang mga base militar sa bansa sa harap ng paglabag nito sa soberanya at karapatan ng mamamayang Pilipino. Kasabay nito, kasuklam-suklam ang malugod at kakawag-kawag ang buntot na pag-aakomoda ng mga tutang sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa kahilingan ng US. Wala pa […]

Punitibong aksyon ng LDGC-NPA-Mindoro laban sa quarry operation ni Bongabong Mayor Elgin Malaluan, tagumpay!
September 21, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Matagumpay na isinagawa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command-NPA-Mindoro (LDGC) ang punitibong aksyon laban sa quarry operation na pagmamay-ari ni Mayor Elgin Malaluan ng Bongabong, Oriental Mindoro. Naganap ang aksyong militar sa gitna ng Ilog Bongabong, Barangay Hagupit noong Setyembre 20, ganap na 03:30 ng hapon. Nagsisilbing mahigpit na babala ang aksyong militar […]

Ipagtanggol ang mamamayan at kabundukan ng Lobo mula sa mapaminsalang proyektong mina ng Bluebird Ventures Incorporated
September 18, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Nagkukumahog ngayon ang pasista at maka-dayuhang rehimeng US-Marcos II sa paghahawan ng daan para sa ganap na operasyon ng malakihan at mapangwasak na proyektong pagmimina sa bayan ng Lobo, Batangas. Hindi pa man gasinong nagtatagal na nakaluklok sa estado poder ang ilehitimong pangulo na si Bongbong Marcos, inuna na nitong basbasan ang mga dayuhang kumpanyang […]

Biguin ang imbing pakana ng rehimeng Marcos-Duterte na baluktutin ang kasaysayan at maningning na pakikibaka ng mamamayan laban sa Martial Law
September 16, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Sukdulan ang pagkundena ng Lucio De Guzman Command-NPA-Mindoro ang garapal na pakana ng rehimeng US-Marcos-Duterte na burahin ang kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan noong panahon ng Diktadurang Marcos. Kasuklam-suklam ang memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ng berdugong si Sara Duterte na nagtatanggal sa salitang “Marcos” upang isalarawan ang Diktadurang Marcos […]

Bukas na Liham
 ng BHB-Quezon sa mga kawal ng AFP
September 16, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Para sa mga kawal ng Armed Forces of the Philippines, Ang liham na ito ay para sa inyong kawal ng Gobyerno ng Pilipinas. Walang-saysay ang pag-aalay ng inyong buhay sa isang gobyernong nagsisilbi lang sa interes ng iilan at dayuhan. Hindi pa huli ang lahat para hubarin ang marungis na unipormeng pinili ninyong isuot. Marami […]



3 Dahilan Kung Bakit Pumalya ang Bukas na Liham at mga Pahayag ng 85th IBPA


September 12, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

1. Kapag Talo, Talo — ang pagkatalo ng Philippine Army sa matagumpay na ambus ng NPA laban sa sundalo at paramilitar noong September 1, 2023 sa Tagkawayan ay hindi maamin-amin ng Hepe ng 85th IBPA na si Ginoong Koronel Joel Jonson. Sa halip ay walang masulingan niyang pinagtakpan ang insidente sa hangaring mapanatili ang gawa-gawang deklarasyon na […]

Pulang saludo kay Ka Ringo, rebolusyonaryong martir ng sambayanan
September 07, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog kay Isagani “Ka Ringo” Isita, kadreng pamprobinsya, Pulang kumander at rebolusyonaryong martir ng sambayanan. Si Ka Ringo ay namartir sa Barangay Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon noong Hulyo 30. Dakila siyang kasama at mapagmahal na ama’t asawa sa kanyang pamilya. Mariing kinukundena ng MGC ang […]