Sa pagsapit ng ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr sa Hunyo 28, dapat malakas na ipanawagan ng mamamayang Pilipino na palayasin ang mga tropa ng imperyalismong US at tutulan ang nilulutong gera nito sa Asia Pacific. Kasabay nito, marapat na singilin at papanagutin si Marcos Jr sa walang pakundangang […]
Ipinagbubunyi ng mamamayan ng bayan ng Victoria at lahat ng Mindoreño ang matagumpay na isinagawang ambush ng mga Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro laban sa mga elemento ng Philippine National Police (PNP) bandang 3:35 ng hapon ng Hulyo 13, 2025 sa Barangay Bagong Silang, Victoria, Oriental Mindoro. Tinambangan ng NPA ang isang […]
Ngayong Hulyo 4, ipinagdidiwang ng papet na gubyerno ang Philippine-American Friendship Day. Taon-taong ginugunita ang okasyon ng paggawad ng US sa Pilipinas ng huwad na kalayaan at pagtatatag sa papet na republika noong Hulyo 4, 1946 bilang Araw ng Pagkakaibigan. 79 na taon mula nang itatag ng US ang Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP), […]
Download
Inilunsad ng mga yunit ng NPA sa ilalim ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang parangal upang bigyang-pugay si Luis “Ka Louie” Jalandoni noong Hunyo 12. Humanay ang mga Pulang hukbo at naglunsad ng tahimik na 21-gun salute. Sama-samang binigkas ng mga Pulang mandirigma ng iba’t ibang yunit ng NPA sa Timog Katagalugan ang “Parangal […]
Alinsunod sa atas ng Partido Komunista ng Pilipinas, inaatasan ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang lahat ng yunit ng NPA sa ilalim nito na maglunsad ng mga pagtitipon upang parangalan si Kasamang Luis Jalandoni, NDFP consultant at dakilang rebolusyonaryo sa pagputok ng araw sa Hunyo 12. Bilang pagpupugay kay Ka Louie, ilunsad ang mga […]
Muling binigo ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon ang 80th IBPA sa isa na namang labanan noong Abril 23, 2025 ganap na 6:35 ng umaga sa Barangay Tagumpay, Real, Quezon. Aktibong nakapag-depensa ang pulang hukbo, ligtas at organisadong naka-atras ng walang pinsala. Samantalang may isang nasugatan sa panig ng mga bayarang militar. Mariing kinukundena ng AMC-NPA-NQ […]
Aktibong nagdepensa ang yunit ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon sa isang labanan sa pagitan nito at ng nag-ooperasyong 80th IB ng AFP kahapon, Abril 16, alas-3 ng hapon. Naganap ito sa Dulangan sa Barangay Tanauan, Real, Quezon. Tagumpay nitong binigo ang ilang araw nang operasyon ng mga militar na naglalayong mapinsala ang NPA maging ang […]
Magiting na dinepensahan ng isang yunit ng Eduardo Dagli Command-NPA Batangas ang kanilang hanay mula sa ginawang ambush ng mga berdugong sundalo ng 59th IBPA sa naganap na depensibang labanan noong Abril 3, 2025 sa Barangay San Isidro, Rosario, Batangas. Sa gitna nang volume fire na ginawa ng mga militar, mahusay na nakamaniubra ang mga […]
Garapal at tunay na walang pakialam ang rehimeng US-Marcos Jr. sa kahirapan at matinding krisis na nararanasan ng mamamayang Pilipino. Habang ang panawagan ng gobyerno ay maghigpit ng sinturon ang pamilyang Pilipino, bilyun-bilyon naman ang nilulustay at pangunahing inilaan sa mga gamit pandigma, dagdag na allowance para sa mga sundalo at iba pang para sa […]