Nagkaengkwentro ang NPA-Quezon at mga sundalo ng Philippine Army sa Barangay Mabini ng Lopez, kahapon bandang 10AM. Kinumpirma ng mga pulang mandirigma na hindi bababa sa tatlo (3) ang kaswalti sa tropa ng sundalo. Wala namang pinsala sa mga NPA. Matapos ang labanan, napaulat na may ipinagsamang mag-uuling ang mga sundalo para imbestigahan. Isang oras […]
Ubod nang sinungaling ang hepe ng pulisya sa Lucena City sa pagsasabing binigo nila ang tangka ng NPA na mangolekta ng “Permit to Campaign” sa mga kandidato ng eleksyon sa Mayo. Ang kanilang inaresto noong Marso 27 na si Darwin Palo ng bayan ng Lopez ay hindi kolektor ng NPA-Quezon. Mariing itinatanggi ng Apolonio Mendoza […]
Nagbubunyi ang Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa ika-56 anibersaryo ng NPA na tangan ang mataas na militansya at optimistikong diwang magwawagi ang digmang bayan. Inspirasyon ng Pulang hukbo ang laksa-laksang mamamayang Pilipino na walang pag-aalinlangang sumusuporta sa kanila. Kung kaya sa gitna ng kilusang pagwawasto, panata ng NPA na suungin ang lahat ng mga […]
Pulang saludo at maalab na pagbati ang ipinapaabot ng NAAC sa okasyon ng ika-56 anibersaryo ng New People’s Army. Ang mahigit limang dekada ng armadong pakikibaka nito ay patunay ng matatag at puspusan nitong pag-ugat sa mamamayan ng buong bansa, sa pagsusulong ng isang makatarungang digmaan para kamtin ang pambansang demokrasya. Sa okasyong ito, bigyang-pugay […]
Paulit-ulit na kuwento ang pinapalabas ng Armed Forces of the Philippines para bigyang katwiran at papaniwalain ang sarili nila sa kanilang bigong kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan at sa mamamayan. Taun-taon na lamang ay nagdedeklara sila ng pagsugpo at malapit nang pagkadurog ng mga yunit ng NPA at sonang gerilya. Parehong mga litanya sa panahon […]
Maalab na pagbati at pagpupugay ang ibinibigay ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro sa lahat ng magigiting na pulang kumander at mandirigma ng Lucio de Guzman Command, mga kasapi ng milisyang bayan, at mga kasapi ng yunit pananggol sa baryo sa ika 56 anibersayo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan. Malaking sampal ngayon sa AFP-PNP […]
Pagkamuhi ng mamamayang Mindoreño, madugong rekord ng paglabag sa karapatang tao at kabiguan ng kontra-rebolusyonaryong digma laban sa nakikibakang Mindoreño: Ito ang kahiya-hiyang legasiyang minana ni Melencio Ragudo—ang pinakabagong punong kumander ng 203rd Infantry Brigade. Nitong Marso 15, sa isang seremonyang tiyak na pinagwaldasan ng pondo ng mamamayan, pormal na ipinasa kay Ragudo ang pamumuno […]
Masigabo at militanteng sinasalubong ng mga yunit ng NPA Southern Tagalog kapiling ang mamamayang api’t pinagsasamantalahan ang paparating na ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA sa Marso 29. Taas-noo at taglay ang diwang palaban, ipinagmamalaki ng NPA ang tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan na biguin ang itinakda ng rehimeng US-Marcos II na deadline ng pagkawasak ng […]
Mariing pinabubulaanan ng Lucio de Guzman Command ang kasinungalingang ipinagkakalat ng 2nd Infantry Division (2nd ID), 203rd Brigade, at 4th Infantry Batallion sa diumano’y naganap na engkwentro sa pagitan ng NPA at tropa ng 4th IBPA sa Sitio Cabuyao, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro nitong Marso 14. Sa naganap kunong labanan ay napatay ang isang […]
Naganap na ang unang hakbang para papanagutin si Rodrigo Duterte sa kanyang krimen laban sa sangkatauhan matapos siyang arestuhin sa bisa ng red notice ng Interpol kaninang umaga paglapag niya sa paliparan mula Hongkong. Inaasahang lilitisin ang dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court, kung gayon kailangang lalong maging mapagbantay ang mamamayan upang tiyakin ang […]