Pahayag

Press Release Panata at Parangal kay Ka Louie sa Timog Katagalugan

Inilunsad ng mga yunit ng NPA sa ilalim ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang parangal upang bigyang-pugay si Luis “Ka Louie” Jalandoni noong Hunyo 12. Humanay ang mga Pulang hukbo at naglunsad ng tahimik na 21-gun salute. Sama-samang binigkas ng mga Pulang mandirigma ng iba’t ibang yunit ng NPA sa Timog Katagalugan ang “Parangal at Panata kay Ka Louie”.

Pinangunahan nina Comrade Kathryn at Cleo del Mundo ang panata sa kani-kanilang yunit na kinabibilangan. Samantala, iniulat din ng iba pang yunit ng NPA ang paglulunsad ng Kapehan upang dakilain si Ka Louie.

Ayon kay Ka Maxie, isang opisyal sa pulitika ng NPA, “Makakaasa si Ka Louie na isasapuso at isasabuhay namin ang panata. Hindi masasayang ang kanyang buhay na inialay para sa rebolusyon at bayan.”

Panata at Parangal kay Ka Louie sa Timog Katagalugan