IV Mga ______________ kamalian at kahinaan A. Mga Kahinaan sa Ideolohiya Ang pangunahing kahinaang pang-ideolohiya ng nakaraang liderato ng Partido Komunista ng Pilipinas ay suhetibismo na lumabas sa hugis ng dogmatismo at emperisismo at nagbunga ng mga linyang Deretsista at “Iskiyerdistang” oportunismo. Ang Pilipinas sa kanyang pagiging mala-peudal at mala-kolonyal na bansa, ay may malawak […]
Ang pinakanakasisilay na kontra-rebolusyonaryong krimen sa Timog-Silangang Asya ng mga bagong tsa ng Kremlin ay ang pag-aarmas nito sa mga reaksiyonaryo sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya ng malaking kantidad ng mga sandata at iba pang kagamitang militar upang tulungan silang puksain ng buong bangis ang rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka ng mga mamamayan. Ang taksil na […]
Itinaas ng Monetary Board ng Central Bank ang rediscount rate mula sa 8 bahagdan upang maging 10 bahagdan. Ito ay nangangahulugan na ang sistema ng pananalapi ng Pilipinas ay malapit nang bumagsak. Napakakitid na ang palugit para sa mga bangkong komersiyal na makatubo. Ang maksimum na interes na maari nilang singilin sa mga may garantiyang […]
Sa loob ng tatlong buwan simula noon Abril, ang mga reaksiyonaryong tropa na binungkos at pinagalaw sa ilalim ng Task Force “Lawin” at may laking mula sa 3,000 hangggang 5,000 ay nagsisikap na matanaw, makubkob at masupil ang mga proletaryong kadreng rebolusyonaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas at mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa […]
Ang pamatnugutan ng Sandatahang Pakikibakang Palisteo ay naglabas ng isang pahayag na nag-uulat na noong Mayo ang kumandong pwersang “Al Assifa”, ang Mapagpalayang Lakas ng Bayan, ang mga pwersang ” Al Saeqa”, at ang mga puwersa ng Demokratikong Prenteng Popular para sa Pagpapalaya ng Palisteo ay naglunsad ng 208 na paglusob laban sa mga mananalakay […]
Isang pangitain ng kasawian ang bumalot sa taunang pulong ng konseho ng Southeast Asian Treaty Organization (SEATO) na ginanap sa Bangkok noong Mayo 20 at 21. Ang walang-tigil na pagsulong ng rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka laban sa imperyalismong Amerikano sa Timog-Silangang Asya at ang mga panloob na kahinaan ng SEATO mula pa sa paglitaw nito ay […]
Dahilan sa kanilang pagkahiwalay sa masa ng mamamayan, ang kaunting mga armadong tauhan na patuloy pa ring nalilinlang ng pangkating Taruc-Sumulong ay nagiging madaling biktima ng mga reaksiyonaryong sundalong papet. Sa apat na sagupaan sa iba’t ibang parte ng Pampanga nang nakaraang Mayo at Hunyo, nalipol ng Philippine Constabulary ang di-kukulang sa 90 bahagdan ng […]
Isang bagong daluyong ng progresibong kilusang ng mga estudyante sa Estados Unidos ang umahon nang ang malaking bilang ng mga estudyanteng Amerikano ay nagsimulang iugnay ang kanilang pakikitunggali sa pakikipag-tunggali ng mga manggagawa. Ibang-iba sa mga nakaraan taon, ang ulo ng salakay ay nakapuntirya sa mga reaksiyonaryong patakaran ng pangkat ng monopolyong kapitalistang Amerikano. Ibinunyag […]
Ang kabulukan ng burges na hustisya ay labis nang naipakita sa higit na labing walong taon na pagkakapiit ng mga political prisoners na nabihag noong 1950. Ipinagmamabuti ng reaksiyonaryong pamahalaan na pakawalan sila sa panahong ang karamihan ay nawalan na ng mga tagatangkilik at iba sa kanila ay napipiho sa kanilang pananalita na tumatahak na […]
Sa isang walang-bisang pagtatangka upang mailigtas ang pagiray-giray na pamamahala nito, ang papet na pangkat Rahman ay naglunsad ng isang pasista at sobinistang kampanya ng pananakot laban sa mga mamamayang iba’t-ibang nasyonalidad sa Malaya. Isinasagawa ng papet na pangkat Rahman ang kampanyang ito ng pananakot matapos dumanas ng malubhang pagkatalo ng reaksyoaryong Alliance Party nito […]