Sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, namayagpag si Gilberto “Gibo” Teodoro Jr, kalihim sa depensa ng rehimeng Marcos, bilang tagapaglako ng pinakamasasahol at militaristang patakaran ng imperyalistang US. Dito, hinimok niya ang mga bansa na sumunod sa kumpas ng US at nagprisentang maging taga-koordina ng mga ito sa Asia. Animo’y asong ulol, agresibo niyang inatake ang […]
Sinalubong ng mga protesta ang pagbisita ni Ferdinand Marcos Jr sa Japan noong Mayo 26−28. Layon ng 4-araw na upisyal na pagbisita ang pagpapalakas ng mga kasunduang militar na Reciprocal Access Agreement at Acquisition and Cross-Servicing Agreement, pagbili ng mga pinaglumaang armas at barkong pandigma, at pagbenta ng murang lakas paggawa ng mga Pilipino. Sa […]
Naglunsad ng operasyong isnayp ang isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Samar (Rodante Urtal Command) laban sa mga sundalo ng 19th IB na nakahimpil sa detatsment sa Barangay Geparayan de Turag, Silvino Lobos, Northern Samar noong Mayo 22. Ang armadong aksyon ay pagpapataw ng hustisya sa patung-patong na mga krimen ng 19th IB sa […]
Nagbabala ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) laban sa nagbabadyang super El Niño sa gitna ng 2026 hanggang sa maagang bahagi ng 2027. Para sa mga magsasaka at mangingisda, nangangahulugan ito ng pagkawala ng ani, dagdag na pagtaas ng gastos sa produksyon, kakulangan sa tubig, at matinding kagutuman. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical […]
Sa nakaraang mga linggo, saksi ang mamamayan sa balyahan at agawan ng mga burukrata-kapitalista sa pamunuan ng Senado. Sa isang panig ang grupo ni Sen. Tito Sotto, na nagdeklarang “bagong mayorya” at may 12 senador. Sa kabilang panig ang grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano na may 10 senador, mula sa dating 13. Bago nito, […]
Kinundena ng mga grupong pangkalikasan at katutubo ang patuloy na pagsira sa kalikasan upang bigyang daan ang malalaking proyektong imprastruktura at pagmimina. Sa Laguna, nagmartsa ang mga residente ng Pakil sa pangunguna ng Mamamayang Nagmamahal sa Pakil noong Mayo 30 upang tutulan ang pagtatayo ng Ahunan Dam sa bundok Ping-as. Itinuturing na sagrado ang bundok […]
Ibayong hinuhubaran ng panibagong reporma ng rehimeng US-Marcos sa general education o GE ang bulok na sistema sa Pilipinas. Itinutulak ng Commission on Higher Education (CHED) ang panukalang Reframed General Education Curriculum Component (RGECC). Layunin nitong bawasan ang rekisitong asignaturang GE mula sa kasalukuyang 36 tungong 18 yunit na lamang. Target itong ipailalim sa “pilot” […]
Nagprotesta ang mga estudyante ng University of Santo Tomas (UST) noong Mayo 28-29 laban sa tumitinding panunupil at Red-tagging sa loob ng unibersidad. Kinundena nila ang “notice to explain” na ipinadala sa tatlong lider-estudyante ng Kabataan Partylist-UST Artlets na sina Raven Racelis, Ray Manuel, at Kerby Calizar. Isinampa ang kaso ni Prof. Marlon Villarin matapos […]
Nag-anunsyo ang Iran noong Hunyo 1 na isinuspinde nito ang partisipasyon sa negosasyon sa kapayapaan sa US kaugnay ng gera. Bunga ito ng pag-atake at pambobomba ng Zionistang Israel sa Lebanon na tahasang paglabag sa balangkas para sa tigil-putukan. Kaugnay nito, muling ganap na isasara ng Iran ang Strait of Hormuz. Ayon sa Iran, “ang […]