Nagpiket ang 10k Ayuda Network noong Mayo 17 sa harap ng Kongreso sa Quezon City para manawagan ng agarang ayuda para sa lahat, pagpasa ng ₱10,000 Ayuda Bill, ₱100 umento sa arawang sahod, bayad na “leave” dahil sa Covid-19 at ₱15,000 subsidyo sa mga magsasaka. Isinabay ang pagkilos sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso. Isinumite […]
Nakalaya na noong Mayo 14 ang tinaguriang Bakwit School 7 mula sa halos tatlong buwang pagkabilanggo matapos ibasura ng korte sa Davao del Norte ang gawa-gawang mga kaso laban sa kanila. Ang Bakwit School 7 ay sina Chad Booc, Roshelle Mae Porcadilla, Benito Bay-ao, Segundo Milong, Jomar Benag, Esmelito Oribawan at Moddie Mansimuy-at. Inaresto sila […]
Muling pinatampok ni Rodrigo Duterte ang kanyang tiranikong pagharap sa pandemya nang arbitraryo niyang iutos noong Mayo 5 na arestuhin ang sinumang hindi nakasuot o mali ang pagsuot ng face mask. Ito ang kanyang naging tugon sa noo’y tumataas na bilang ng mga kaso ng nahawa sa Covid-19. Nagkumahog ang mga ahensya ng gubyerno na […]
Masiglang ipinagdiwang ng masang magsasaka at ng hukbong bayan sa Northern Samar ang ika-48 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong Abril, sa gitna ng kalahating taong nakapokus na operasyong militar ng kaaway. Dumalo sa selebrasyon ang mga residente mula sa anim na baryo na nagkaisang higit pang labanan ang militarisasyon sa […]
Ginunita ng mga nars sa pangunguna ng Filipino Nurses United (FNU) ang Pandaigdigang Araw ng mga Nars noong Mayo 12 sa pamamagitan ng pagsuot ng pulang face mask at pagbitbit ng mga panawagan para sa makatwirang dagdag sweldo at kaligtasan sa trabaho. Mula pa noong nakaraang taon, panawagan na ng mga nars at ng mga […]
Pinaboran ni Rodrigo Duterte ang oligarkong si Enrique Razon, Jr. sa plano niyang magtayo ng isang “mega vaccine center” o dambuhalang pasilidad ng pagbabakuna sa pampublikong lupa sa Parañaque nitong Mayo. Sasaklawin ng proyekto ang 10 sa 15-ektaryang lupa na pinamamahalaan ng Nayong Pilipino Foundation (NPF). Ang lupang ito ay isa sa natitirang di sementadong […]
Tatlo sa pinakanakamamatay na proyektong dam sa bansa ngayon ay may kaugnayan sa mga negosyo ni Enrique Razon, Jr., na tinaguriang isa sa mga “Dutertegarch” o malalaking oligarko na pinapaburan ni Duterte. Ang mga ito ang Jalaur Megadam Project sa Iloilo na nakatakdang magsuplay ng kuryente sa kumpanyang More Power, ang Wawa Dam Project sa […]
Tampok sa balita nitong ikalawang linggo ng Mayo ang brutal na pambobomba ng Israel sa matataong lugar sa Gaza Strip, isang masikip na engklabo kung saan nakakulong ang mahigit dalawang milyong Palestinian. Sigaw ng mga hedlayn ng balita ang “sigalot na Israel-Palestine,” “pagtindi ng karahasan” sa Gaza Strip at “lumalaking kwestyon” kaugnay sa mga krimen […]
Libu-libo ang lumabas sa mga lansangan sa United States, Canada, United Kingdom, New Zealand at iba pang bahagi ng mundo para suportahan ang mamamayang Palestinian at kundenahin ang pambobomba ng Israel sa Gaza. Dala ng maraming grupo ang panawagang “Free Palestine!” o “Palayain ang Palestine!” Sa United Kingdom, inokupa ng mga aktibista noong Mayo 19 […]