Sunud-sunod na mga protesta at pagtitipon ang inilunsad ng iba’t ibang sektor sa pagbubukas ng 2026 para isulong ang kanilang mga karapatan sa ekonomya at pulitika. Sa unang mga linggo ng Enero, nailunsad ang mga pagkilos para sa karapatan sa lupa at pangisdaan, barikada kontra mina at demolisyon, at iba pa para sa pagtataguyod ng […]
Militanteng nanindigan ang mga magsasaka at manggagawang-bukid ng Hacienda Michaela sa Barangay Talotog, Murcia, Negros Occidental laban sa pang-aagaw ng 22-ektaryang lupa ng Ta-ala Farms, Inc. Simula Enero 12, nagkampo ang mga armadong tauhan at ahente ng kumpanya para palayasin ang mga residente sa kanilang lupang sinasaka. Sa araw na iyon, sumugod sa asyenda ang […]
Kinundena ng mga grupo ng manggagawa at tagapagtanggol ng kalikasan ang kapabayaan at di ligtas na lugar sa trabaho sa Binaliw Landfill sa Cebu City noong Enero 8. Gumuho ang bundok ng basurang tinatayang may taas na 20 palapag at dumagan sa mga gusali sa paanan nito. Ang tambakan ay pinatatakbo ng Prime Integrated Waste […]
Sa gabay ng kilusang pagwawasto, tuluy-tuloy ang pagsisikap ng Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Isla ng Negros para palalimin at palawakin ang pag-ugat nito sa masang Negrosanon. Noong 2025, iniulat ng komite ang relatibong pangingibabaw sa natukoy na mga kahinaan. Bunga nito, matagumpay na napamunuan ng Partido ang mga pakikibaka ng masang […]
Walang puknat ang mga pang-aabusong militar laban sa mamamayang Pilipino pagpasok ng 2026. Mula ikalawang linggo ng Enero, naitala ang mga kaso ng pamamaril, tangkang pagdukot, pagsasampa ng mga kasong kriminal, panggigipit at iba pang paglabag sa karapatang-tao. Sa Samar, pinasabugan ng M203 at pinagbabaril ng mga sundalo ng 46th IB ang dalawang batang magkapatid […]
Kinundena ng mga progresibong grupo at tagapagtanggol ng karapatang-tao sa Pilipinas at iba’t ibang bansa ang walang batayang pagdetine ng 2nd ID kay Chantal Anicoche, isang aktibistang Filipino-American, sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. Nanawagan sila para sa kanyang agarang pagpalaya at hustisya para sa mga biktima ng pambobomba sa Mindoro. Pinalabas ng militar na “natagpuan” […]
Nang aprubahan ng Kongreso at Senado ang panukalang pambansang badyet para sa 2026, nalantad na magbubuhos ang rehimeng Marcos ng ₱8.1 bilyon sa Support to Barangay Development Program (SBDP) ng National Task Force (NTF)-Elcac. Kinundena ito ng iba’t ibang grupo, kabilang ang mga grupong relihiyoso, dahil nagsisilbi ito bilang premyo sa pasismo sa kanayunan, at […]
Gaganapin sa Pilipinas sa Mayo ang World Nuclear Supply Chain Conference. Ito ang ikalawang pagtitipong inorganisa ng World Nuclear Association upang patatagin ang pandaigdigang suplay para sa mga proyektong nukleyar. Noong Nobyembre 2025, inianunsyo ng Department of Energy (DOE), na bukas na ang Pilipinas para sa pagtatayo ng mga plantang nukleyar. Plano mismo ng DOE […]
Mariing kinundena ng progresibong mga organisasyon sa Pilipinas at Japan ang Acquisition and Cross-Servicing Agreement (ACSA) na pinirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Japan noong Enero 15. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), bahagi ito ng “paglalim ng imperyalistang adyenda sa Pilipinas.” Karugtong ang ACSA sa Reciprocal Access Agreement (RAA) na nagpapahintulot sa pamamalagi ng […]