Naigiit ng mga mangingisda sa Gubat, Sorsogon ang pag-amyenda noong Disyembre 11 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Fishery Administrative Order (FAO) No. 264 matapos ang pagpetisyon nila sa ahensya. Pinalakas ng Save Gubat Bay Movement (SGBM) ang kampanya nito kontra sa FAO 264 simula noong Hunyo ngayong taon. Ipinanawagan ng SGBM […]
Binatikos ng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) at grupong pangkalikasan na Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ang pagpapahintulot ni Marcos Jr na ipagpatuloy ang operasyon ng dalawang proyektong reklamasyon sa Manila Bay sa kabila ng pangako niyang “suspensyon” sa mga ito. Inianunsyo ng lokal na […]
Binatikos ng mga grupong magsasaka, manggagawang-bukid at mangingisda ang pagtatalaga ni Marcos Jr kay Francisco Tiu-Laurel Jr bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA). Anang mga grupo, ang ipinalit ni Marcos sa poder ay katulad niyang walang alam sa agrikultura at walang rekord ng pagsisilbi sa bayan. Malinaw din umanong pabor ito ng pangulo kay […]
Higit 600 katao ang lumahok sa “human chain” sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City noong Oktubre 18 para ipanawagan ang kagyat na pagpapatigil sa mapanirang reklamasyon sa Manila Bay at maging sa buong bansa. Nagsama-sama sa pagkilos ang mga kabataan, mangingisda, taong-simbahan, at mga tagapagtanggol ng kalikasan sa programang “Save our Sunset, Save […]
Higit 200 taong-simbahan, mga tagapagtanggol ng kalikasan, kabataan at residente sa baybayin ng Dumaguete City ang nagtipon sa Pantawan, Rizal Avenue, Barangay 5 para sa “Ecumenical Walk for Creation.” Layon ng pagkilos ng mga grupo na ipanawagan ang hustisyang pangkalikasan at pagprotekta sa kalikasan laban sa mapanirang mga proyekto. Sa pangunguna ng grupong simbahan, naglunsad […]
Inihayag ng mga residente ng Barangay Pahanocoy, Bacolod City, Negros Occidental noong Oktubre 9 ang kanilang pagtutol sa 700-ektaryang proyektong reklamasyong nakatakdang isagawa sa baybayin ng kanilang barangay. Pinangunahan ng Pahanocoy Anti-Reclamation Movement (PARM), lokal na tsapter ng Bacolod Against Reclamation Movement, ang nagkakaisang pagtutol sa reklamasyong itinutulak ni Engr. Andres Taculod. Giit ng mga […]
Humarap sa dalawang magkasunod na konsultasyon sa mga ahensya ng gubyerno ang mga mag-aalimango at mangingisda sa Gubat, Sorsogon noong Oktubre 5 para igiit ang kanilang karapatan sa kabuhayan at ipahayag ang pagtutol sa pahirap na Fisheries Administrative Order (FAO) 264 at planong pagtatayo ng coastal road. Kinumpronta ng Save Gubat Bay Movement (SGBM) ang […]
Mariing kinukundena ng Armando Catapia Command NPA- Camarines Norte ang serye ng sunod-sunod na harassment at pananakot sa mamamayan ng prubinsya. Isa itong malinaw na paglabag sa karapatang-tao at paglabag sa internasyunal na makataong batas. Bukod dito, pagpapakita rin ito na higit kailan man ay hindi seryosong tupdin ng AFP-PNP-CAFGU ang batas hinggil sa karapatang-tao. […]
Tutol ang mga mangingisda kabilang sa grupong Pamalakaya kay Francisco Tiu Laurel Jr bilang posibleng kalihim ng Department of Agriculture. Napabalitang siya ang papalit kay Ferdinand Marcos Jr na nagsisilbing kalihim ng DA mula nang maupo siya sa poder. Si Laurel ay may-ari ng Frabelle Fishing Corporation, isang kumpanya sa pangisda na may mga upisina […]
Iligal na pinasok ng armadong ahente ng estado ang mga tahanan ng 10 myembro ng Cota na Dako Crablet Workers Association at kinumpiska ang kanilang “duyan-duyan” o crab net noong Setyembre 22, bandang 6:30-7:30 ng umaga. Sinalakay ang mga bahay ng di bababa 25 elemento ng coast guard at pulis at mga tauhan ng Municipal […]