Higit 500 Bicolano ang nagtipon sa Guinobatan Plaza, Albay kahapon, Disyembre 15, para sa isang misang bayan at parangal sa dalawang aktibistang ekstrahudisyal na pinatay ng mga pulis noong Hulyo 25 sa bayan ng Guinobatan. Pinatay sina Jaymar Palero at Marlon Napire ng mga pulis matapos mahuling nagpipinta ng panawagang ‘Duterte ibagsak’ sa isang tulay. […]
Isang pamilya ang tinamaan sa walang patumanggang drone strike (pambobomba gamit ang drone) ng US sa prubinsya ng Idlib sa Syria noong Biyernes. Anim ang nasugatan — ang padre de pamilyang si Ahmad Qassum, kanyang asawa at apat nilang anak na edad 10 hanggang 16. Ani Qassum, nagmistulang “palanguyan ng dugo” ang kanilang sasakyan matapos […]
Itinuturing ni Rep. Carlos Zarate, kinatawan ng Bayan Muna sa Kongreso, ang kapapasa lamang sa Kongreso na House Bill 5793 o SIM Card Registration Act na “labag sa ‘right to privacy’ ng mamamayang Pilipino.” Sa ilalim nito, madaling makuha ng estado ang akses at datos ng isang SIM card na daluyan ng pribadong komunikasyon sa pagitan […]
State terrorism will surely be exacerbated following the decision of the Supreme Court upholding the constitutionality of the so-called Anti-Terrorism Law (ATL), even if some of its provisions were voided. The decision further emboldens the fascists to carry out more vicious attacks against people fighting for the cause of national liberation and democracy. The Supreme […]
Magkasunod na nanawagan ang mga grupo ng magsasaka at grupo ng mga taong-simbahan at tagapagtaguyod ng kapayapaan para sa kagyat na pagpapatigil sa pambobomba mula sa ere ng Armed Forces of the Philippines. Ginawa ang panawagan matapos mabalita ang pambobomba ng mga eroplanong pandigma ng AFP sa Miag-ao, Iloilo noong Disyembre 1 na pumatay ng […]
Nagtirik ng kandila ang mga manggagawang pangkalusugan sa harap ng Philippine General Hospital sa Maynila noong Disyembre 3 ng gabi para ipakita ang kanilang galit sa pagpaslang kay Dr. Raul Winston Andutan. Pinanungahan ng Council for Health and Development (CHD), ang pambansang organisasyon ng mga community-based health program (CBHPs), ang naturang protesta. Si Dr. Andutan ay […]
Mariing kinundena ng Partidko Komunista ng Pilipinas (PKP) at Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagmasaker ng militar sa isang yunit ng BHB sa Sityo Burak, Barangay Alimodias, bayan ng Miag-ao, Iloilo noong Disyembre 1. Dapat “kundenahin ang sobra-sobrang, walang patumanggang paggamit ng lakas at paghasik ng teror” sa mamamayan ng Armed Forces of the Philippines […]
Sa pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines ngayong araw, nanindigan ito sa mga kasamahan nito sa midya na kasalukuyang nahaharap sa mga kaso ng libel at cyberlibel na isinampa ng kalihim sa enerhiya na si Alfonso Cusi at negosyanteng si Dennis Uy. Ayon sa grupo, malinaw na ang mga kasong ito ay […]
The Armed Forces of the Philippines (AFP) is preventing media and other organizations from independently seeking the truth about the aerial bombing last Wednesday early morning in Barangay Alimodias, Miag-ao, Iloilo. In line with its martial law mindset, the AFP wants to impose a news blackout to control the flow of information so that these […]
Sinampahan na ng mga kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpaslang sa lider-manggagawa at provincial coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan-Cavite) na si Emmanuel “Manny” Asuncion. Resulta ito sa imbestigasyong ng Department of Justice (DoJ) na iginiit ng pamilya at mga grupong tagapagtanggol ng karapatang-tao. Kabilang si Asuncion sa siyam na biktima ng […]