Itinutulak ng Save Our Schools (SOS) Network ang isang imparsyal (walang kinakatigan) at buong imbestigasyon sa pagpatay ng 37th IB kay Rowe Jhon Libot, boluntir na guro sa eskwelahan ng mga Lumad, noong Hulyo 27 sa Kalamansig, Sultan Kudarat. Ayon sa grupo, ang walang-awang pagpaslang sa kanya ng mga sundalo ay paglabag sa internasyunal na […]
Halos naubos sa loob ng isang araw ang ₱1 bilyong pondong inilaan para sa kumpensasyon o bayad-pinsala sa mga biktima ng pambobomba ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi City. Sa isang pagdinig sa Kongreso noong Agosto 1, inulat ni Maisara Latiph, pinuno ng Marawi Compensation Board (MCB), na nalimas ang ₱800,000 sa unang […]
Sa ika-29 taon ng pandaigdigang araw ng katutubong mamamayan ng daigdig, nananawagan ang National Democratic Front-Palawan sa mga katutubong Palaweño na magbangon at magkaisa laban sa komun na kaaway ng bayan—ang imperyalismong US at mga lokal na papet nito. Makatwirang ipagtanggol ang lupaing ninuno at labanan ang pagsasamantala sa minorya at buong aping uri. Tulad […]
Nakikiisa ang Kadumagetan sa pagdiriwang ng International Indigenous People’s Day ngayon Agosto 9, 2023. Kasama ng mga katutubo sa buong mundo, nakikiisa kami sa kanilang pakikibaka para sa kanilang karapatan sa sariling pagpapasya. Sa Pilipinas, wala pa ring natatamasang karapatan sa sariling pagpapasya ang mga katutubo at pambansang minorya. Sa kabila ng Indigenous People’s Rights […]
Dinukot, tinortyur at iligal na ikinulong ng mga sundalo ng 4th IB ang katutubong Hanunuo-Mangyan na si Pedro Ambad sa Sityo Kilapnit, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Hulyo 13 sa kanyang bukid. Labis na pagdurusa ang naranasan ni Ambad na pinakawalan matapos ang 12 oras na pagpapahirap. Sa ulat ng National Democratic Front (NDF)-Mindoro, […]
Ikinagagalit ng mga katutubong Mangyan at sambayanang Mindoreño ang walang tigil na mga operasyong militar ng 203rd Bde-PNP-MIMAROPA sa kanilang mga pamayanan at ang kaakibat nitong mga kaso ng karahasang militar sa mga sibilyan sa isla ng Mindoro. Sa ngalan ng kontra-insurhensya, mga sibilyan ang pangunahing biktima ng mapaminsalang operasyong FMO at RCSPO ng mga […]
Naghatid ng tulong ang iba’t ibang mga grupo sa militarisadong bayan ng Balbalan, Kalinga noong Hulyo 9 at Hulyo 10. Inilunsad ito para suportahan ang komunidad na simula pa Marso ay kumakaharap na sa matinding militarisasyon dahil sa mga operasyong kontra-insurhensyang ng 5th ID sa lugar. Ang paghahatid ng tulong ay isinagawa ng Serve the […]
Nagpetisyon ang mga kaanak at kaibigan nina Gene “Bazoo” De Jesus at Dexter Capuyan para sa writ of habeas corpus (o paglilitaw para iharap sa korte) ng dalawang aktibista. Kasama nila ang iba’t ibang mga grupong nagtataguyod sa karapatang-tao, inihapag nila ang petisyon sa Court of Appeals (CA) kahapon ng umaga, kasabay ng ikalawang buwan […]
Karahasang pang-ekonomya at pasismo ang dinanas ng mga katutubong Pilipino sa kamay ng rehimeng Marcos Jr sa unang taon nito sa pdoer. “(N)aging nangungunang tagalabag ng karapatan ng mamamayang katutubo at Moro ang anak ng diktador sa unang taon niya sa poder,” pahayag ng Sandugo-Movement of Moro and Indigenous People for Self-Determination, “Idineklara ni Marcos […]
Binalaan noong Hunyo 29 ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) ang 2nd ID ng Armed Forces of the Philippines laban sa patuloy na pagkakait nito sa batayang mga karapatan nina Arnulfo Aumentado at Mary Joyce Lizada, kilala bilang Mansalay 2, bilang mga indibidwal na pinagkaitan ng kalayaan (persons deprived of liberty.) Sina Aumentado at […]