Ang Ulos ay taunang pahayagang pangkultura na inilalathala ng Artista at Manunulat ng Sambayanan.
Para sa mga desaparesido…
Paggunita sa kaarawan ni Amado V. Hernandez (September 13, 1903 – March 24, 1970). Makata. Makabayan. Anti-Imperyalista.
Send your contributions to [email protected]; or send it to Ulos 2024 Facebook page at https://www.facebook.com/ulos2024.
Pahayagang pangkultura na inilalathala ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas)
“Mga kasama, pagpasensyahan n’yo na,” agad na salubong sa mga Hukbong ‘di pa man nakapapasok lahat sa silong, “at ako laa’y talagang binalaan na ni Kapitan Mando: ‘wag na muna kayong patuluyin dine sa bahay ko. “Ano’t pangalan ko raw ay kuha na sa kampo, at pookan nami’y ipinamarali na sa ibang baryo. Nagpapatuloy […]
Sige’g balik-balik Ang kaaway Sa law-ay Nga balaybay Nga dyutay Na daw ang pulang hangaway. Pero sipyat sila Sa kanunay. Siguro wala, Pero may kinatuhay. Kay ang NPA, wala. Wala’y pangalan, pero daghang nailhan. Wala’y balay, pero daghang kapuy-an. Wala’y bakat, pero layo’g maabtan. Wala’y adres, pero daghang natultulan. Wala’y sweldo, pero daghang trabahuan. […]
“Nakakagulat pero nakatutuwang pangyayari.” Ito ang masayang pagbabahagi ni Ka Hunan sa mga kasama. Sino ba ang makalilimot sa araw na iyon? Maaga pa ay binagtas na nila Ka Raur ang masukal na logging road papunta sa oblagang iyon. Kinakabahan man siya pero pumupusta ng kanilang buhay ang mga masa na samahan sila para […]
Tipikal na tula ng Pulang Mandirigma Ay mga tulang mabilis na nililikha Kung may pangangailangan o pangyayari Lalarga lahat pati di makata. Walang sukat, walang tugma Sa iglap isinusulat, pangahas sa ideya Walang pakundangan sa porma Basta sa sustansya ay sagana. Saka na ang kritik pagkatapos ng programa Ang tiyak, lahat ay masaya Palakpakan, […]
OPKAT? UPCAT? UP College Admission Test? Naku hindi po. Walang eksam dito para makapag-aral. Walang enrolment. Walang rangking. Walang bayad. Dito sa loob ng New People’s Army-Gitnang Luzon, araw-araw ay may makabuluhang talakayan. Ito ang ORAS PARA SA KAUNTING TALAKAYAN o OPKAT. Ito ay impormal na talakayan na nagsisimula sa PASA-MENSAHE tuwing umaga na […]